Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Mga kababaihang Tsino

(GMT+08:00) 2013-03-11 12:10:56       CRI

Ang International Women's Day na ipinagdiriwang tuwing ika-8 ng Marso ay natapat sa panahon ng taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Nitong ilang taong nakalipas, dumarami ang bilang ng mga babaeng deputado ng NPC at kinatawan ng CPPCC.

Kasabay nito, hindi lamang ang kanilang magagandang damit at hitsura, kundi ang kanilang tagumpay sa iba't ibang sektor ng lipunan at panukalang batas hinggil sa mga isyung panlipunan ay nagiging tampok sa mga media ng Tsina.

Mga duputado ng NPC na mula sa pambansang minorya

Bago itatag ang People's Republic of China noong 1949, ang Tsina ay isang bansa na ang mga kababaihan ay nasa namumunong katayuan sa lipunan. Pagkaraan nito, pinasulong ng pamahalaang sentral ng Tsina ang usaping pangkababaihan at nagiging pantay-pantay ang katayuang panlipunan ng mga kababaihan at kalalakian dito sa Tsina. Makikita ang mga babae sa halos lahat ng mga industriya at natamo nila ang mga kapansin-pansing tagumpay sa karera.

Halimbawa, nandiyan ang kauna-unahang babaeng astronaut na si Liu Yang, kilalang tennis player na si Li Na at wala pang sinumang lalaking manlalarong Tsino ang nakakuha ng parehong tagumpay ni Li, at iba pang maraming babae na mahusay sa kanilang karera.

Kahit ang gawaing pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan at kabataan ay isang pundamental na patakaran dito sa Tsina. Hindi ito ay nangangahulugan na masaya ang pamumuhay ng mga karaniwang babaeng Tsino.

Mga duputado ng NPC na mula sa pambansang minorya

Kamakailan, naiulat ng BBC ang isyu ng mga leftover ladies dito sa Tsina. Mukhang ang isyung ito ay naging malubhang hamon na nakatawag ng pansin sa loob at labas ng bansa.

Ang naturang mga leftover ladies ay itinuturing na ang mga kababaihang Tsino na 27 taong gulang pataas, mulat, mataas ang suweldo, may bahay, pero single pa. Pero sa mga single na Tsino na 35 taong gulang pababa, mas marami ang bilang ng mga kalalakihan kaysa mga kababaihan.

Ibig-sabihin, hindi lahat ng mga leftover ladies ay mahihirapan na naghanap ng nobyo. Dahil mas nagsasarili ang mga batang Tsino at ayaw nilang mag-asawa nang maaga. Kaya ang isyung ito ay nagmula, pangunahin na, sa nagkakaibang posisyon sa pagitan ng kahilingan ng mga batang Tsino sa pagsasarili at tradisyonal na ideya sa pamilya, o masasabing ito'y nagpapakita ng pagkabahala ng mga magulang sa kanilang single na anak sa halip ng pagtanggi ng mga batang Tsino na magpakasal.

Isang babaeng deputado ng NPC na isinilang noong ika-9 na dekada ng nagdaang siglo

Bukod dito, narito naman ang huling lugar kung saan hindi pa pinalaya ang mga may asawang Tsino. Ito ang kanilang tahanan. Sa kasalukuyan, ang mga kinasal na kababaihang Tsino ay nagsasabalikat ng halos lahat ng mga gawain sa pag-aasikaso sa kanilang mga magulang at anak, at mga gawaing pantahanan na gaya ng pagluluto, paglilinis at iba pa. Ibig-sabihin, pagkatapos ng trabaho, pahinga na si mister, habang si misis sa bahay ay dapat gumamit pa ng mas maraming enerhiya sa pagsasaayos ng pamumuhay ng isang pamilya.

Si Fu Ying, kauna-unahang babaeng tagapagsalita ng NPC

Ang ganitong isyu para sa mga kababaihang Tsino ay nagpapakita din ng hamon para sa lipunang Tsino. Kasabay ng pagpapabuti ng mga batas at tadhana para pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Tsino, hindi masyadong maayos ang mga ideya at kultura kung ano ang patnubay para sa kaisipan at kilos na makatutugon sa kay-bilis na pagbabago ng lipunang Tsino at pagpapaliit ng agwat sa kaisipan ng mga matatanda at batang Tsino.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>