Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-13 2013

(GMT+08:00) 2013-04-05 18:40:59       CRI

March 31, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey rin kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Happy Easter

Happy, happy Easter sa inyong lahat! Kumusta ba ang inyong Holy Week? Anu-ano ba ang mga ginawa ninyo sa mga araw na ito? Ibahagi naman ninyo sa amin.

Kung nakikinig si Dekdek ng Paz Street, Paco, Manila, natanggap ko na ang padala mong Easter card. Maraming salamat sa iyo. Malaking tulong ang ginagawa mong pagpo-promote ng aming website. We couldn't thank you enough. Happy Easter and God bless.

Tunghayan naman natin ang ilang piling mensahe.

Easter Mass sa isang simbahan sa Guangzhou, lunsod sa timog Tsina

Sabi ni Juvy ng Malaybalay, Bukidnon: "Pagkaraan ng ilang araw na pagpepenitensiya at pag-aayuno, ngayon ay araw naman ng pagsasaya. Nagsasaya tayo pagka't nabuhay namag-uli si Kristo at tayo ay may pagkakataon na makarating sa kaluwalhatian sa pamamagitan niya. Wala tayong dapat gawin kundi aminin na tayo ay makasalanan at pagsisihan ang ating mga nagawang pagkakamali."

Sabi naman ni Claris ng Cefel's Park Subdivision, Lungsod ng Kalookan: "Dapat papurihan natin ang nakaimbento ng hybrid rice. Dahil sa imbensiyong ito, maari tayong umani nang doble at malaking tulong ito sa lumolobong populasyon natin. Ito ay isa sa mga imbensiyong walang malaking side effects."

Sabi naman ni Sandra ng Calapan, Oriental Mindoro: "Sa tingin ko, mali ang labeling ninyo ng flagdown ng pag-ibig. Ang flagdown ay hindi sa pag-ibig kundi sa pag-aasawa. Pero, hindi kailangang mag-impose ang lalaki sa babae. Napag-uusapan ang lahat in the name of love. Labor of love is the name of the game."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

LANGIT NA NAMAN
(SAM MILBY)

Narinig ninyo si Sam Milby sa kanyang awiting "Langit Na Naman," na hango sa collective album na may pamagat na "Hotsilog."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan. Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya Ramon,

Happy Easter sa iyo at sa lahat ng mga kaibigan diyan sa China.

Ano ba ang feeling ninyo after Holy Week? Nagkaroon ba ng pagbabago after the retreat and meditation?

Napuna ko na marami sa mga kababayan natin ang nagbabalewala sa Mahal na Araw, lalo na sa Biyernes Santo. Tuloy din ang pag-iinuman nila sa kanto at ang kanilang pag-iingayan na parang sarili nila ang mundo. Saan ba talaga tayo patungo?

Nagustuhan ko iyong pinaka-latest topic ninyo sa pag-usapan natin. Hindi nga dapat lagyan ng flagdown o halaga ang pag-iibigan. Dapat lahat out of love. Pero, kung gusto ninyong magpakasal, dapat paghandaan ninyo kapuwa ang sandaling ito. Kung maliit ang suweldo ng lalaki, puwede siyang mag-sideline o humanap ng ibang trabaho para makaipon. Dapat silang magtulungan out of love.

Nagdarasal ako na sana manatili kayong malakas para magampanan ninyo nang husto ang commitment ninyo sa inyong mga tagapakinig.

Hanggang dito na lang muna and God bless.

Fely Buencamino
Norzagaray, Bulacan
Philippines

Salamat sa e-mail at sa patuloy na pakikinig sa aming mga programa, Fely Talagang nakakasakit ng loob na makita ang ilang kababayan na walang paggalang sa Mahal na Araw. Ipagdasal na lang natin sila para magbago. Thank you uli and happy Easter.

Ngayon, pakinggan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

THE POWER OF LOVE
(F. I. R.)

F. I. R., sa kanilang awiting "The Power of Love," na hango sa kanilang album na pinamagatang "Unlimited."

Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng ilang textmates.

Nasaan ang Easter Egg?

Sabi ng 0086 135 647 55772: "Happy, happy Easter, Kuya Ramon! Happy Easter din sa buong tropa ng Serbisyo Filipino. Sana makita ninyo ang Easter egg at ma-share to us the blessing."

Sabi naman ng 0086 138 114 09630: "Masayang bating pang-Easter, Kuya Ramon. Umaten ako sa Easter mass last night. Very touching ang ceremony. Nanindig ang balahibo ko and I felt something different. I was really sorry for all my failings."

Sabi naman ng 0049 242 188 210: "Masayang Pasko ng Pagkabuhay, Kuya Ramon! Ang araw na ito ay nagbibigay sa atin ng bagong pag-asa. Hindi pa huli para magsisi para sa ating mga kasalanan at ituwid ang ating mga pagkakamali."

Sabi naman ng 0041 787 811 412: "Happy Easter sa iyo, Kuya Ramon at sa lahat ng mga iba pang announcers ng Serbisyo Filipino. Sana naging mabunga ang pagdiriwang ninyo ng Holy Week."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section @yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>