Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Metro Manila at Beijing

(GMT+08:00) 2013-06-17 21:45:34       CRI

Ang kabisera ng isang bansa ay palagiang ginagamit bilang modelo para malaman ng mga dayuhan ang komprehensibong kalagayan ng bansa. Dito, natitipon ang yamang pulitika, kultura, sining, edukasyon, at kasaysayan: halimbawa ang Beijing ng China at Metro Manila ng Pilipinas.

Gayunpaman, ang kabisera ay palagiang nagiging destinasyon para sa mga dayuhang turista, lalo na sa mga karaniwang turista na kauna-unahang mamasyal sa ibang bansa. Kahit magkakaiba ang kanilang hilig, ang paunang kondisyon na isinasaalang-alang ng mga bumibiyahe ay ang kaligtasan at kaginhawahan.

Welcome to Intramuros

Para sa mga Tsino, ang mga representatibong bagay ng Pilipinas ay mga baybaying-dagat, pagkaing-dagat, tropikong prutas, at jeepney. Kaya ang Metro Manila, Boracay, Cebu at ibang pang magagandang isla ng Pilipinas ay mga kilalang destinasyon para sa mga turistang Tsino.

Pero kung ikukumpara ang Beijing sa Metro Manila, mababago talaga ang mga dating imahe sa kaisipan ng mga Tsino hinggil sa Pilipinas na gaya ng magulong kaayusang panlipunan, di-maunlad na kabuhayan, at kulang sa pundasyong pangkultura at pangkasaysayan.

Mga Kolehiyo at Pamantasan sa Intramuros

Para sa isang lugar kung saan namumuhay ang mahigit 12% populasyon ng buong bansa, malaki talaga ang presyur sa pampublikong komunikasyon. Kaya, madalas mabigat ang trapiko sa Metro Manila. Sa ibang dako, ang mga lumang-lumang disenyo at pasilidad sa komunikasyon ay nakakaapekto rin sa kalagayan ng trapiko.

Punong Himpilan ng Manila Bulletin sa Intramuros

Kahit ganoon, mas maganda pa rin ang kalagayan ng trapiko ng Metro Manila kaysa sa Beijing. Bukod sa dami ng kotse at laki ng populasyon, ang Chinese style of crossing roads ay isa pang nagdudulot ng presyur sa komunikasyon dito sa Beijing.

Manila Cathedral

Bukod sa trapiko, ang isyu ng seguridad sa Metro Manila ay isa pang bagay na ikinababahala ng mga turistang Tsino. Marami kasi ang bilang ng mga iligal na baril. Makikitaan mo ang mga pulis at bodyguard na may nakasukbit na tunay na baril, bagay na bihirang makita sa Beijing. Ito talaga ay nagpapakita ng isyu ng seguridad na kinakaharap ng Metro Manila. Pero sa katotohanan, ang umano'y mga pagpapalitan-putok at krimen sa imahe ng mga Tsino ay bunga lamang ng ulat ng mga media.

Ang ibang mga bagay sa Metro Manila na lumampas sa inaasahan ng mga Tsino ay ang pag-unlad ng kabuhayan at pinansiya. Ang parehong isyu na kinakaharap ng Tsina at Pilipinas ay ang paglaki ng agwat sa pagitan ng mga lunsod at kanayunan. Kung ikaw ay mamamasyal sa Makati, pareho ang anyo ng mga gusali doon at sa Distrito ng Chaoyang, sentro ng pinansiya ng Beijing. Sa ibang dako, mas marami ang mga halaman sa Makati kaysa Chaoyang ng Beijing.

Isang seremonya ng pagkasal sa San Agustin Church

Sa katotohanan, habang bumababa ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino dahil sa pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, mabilis ang pag-unlad ng kabuhayang Pilipino. Ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Pilipinas noong unang kuwarter ng taong 2013 ay nasa unang puwesto sa buong Asya na mas mabilis kaysa Tsina.

Isang dahilan kung bakit iniisip ng mga Tsino na di-maunlad ang kabuhayan ng Pilipinas ay ang napakabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino noong nakaraang mahigit 20 taon. Ito ay lampas sa inaasahan ng mga karaniwang tao.

Bago ang 1990s, maunlad talaga ang kabuhayan ng Metro Manila. Noong sinimulang gamitin sa Metro Manila ang mga pasilidad ng pampublikong transportasyon na gaya ng MRT at LRT, ang Beijing ay isang lunsod kung saan ginagamit pa rin ang bisikleta bilang pangunahing kasangkapang pantransportasyon. Ang pagtatanghal ng mga ginto sa Ayala Museum ay nagpapakita na ang "Perlas ng silangan" ay hitik sa likas na yaman.

Ang mabahang kasaysayan at mayamang kultura ay dalawang bagay na palagiang ikinararangal ng mga mamamayang Tsino. Ang mga simbahan at kolehiyo sa Metro Manila ay nagpapakita rin ng mahabang kasaysayan at mayamang kultura. Halimbawa, ang Intramuros ay nagpapakita ng mabahang kasaysayan ng paghahari ng mga Espanyol, Amerikano at Hapones sa Manila.

Ang Forbidden City naman na ginamit bilang sentro ng mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina ay isa na ngayong lugar-panturista. Sa kabilang dako, ang Intramuros ngayon ay hindi lamang lugar kung saan matatagpuan ang mga pamanang pangkultura at sinaunang arkitektura, kundi ng mga kolehiyo, media na gaya ng Manila Bulletin, simbahan na gayan ng Manila Cathedral at San Agustin Church, organisasyong pinansyal na gaya ng Bank of Philippine Islands (BPI), at kagawaran ng pamahalaan na gaya ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang mga bagay na nasa Metro Manila ay nagpapakita ng epekto ng istilong Espanyol at Amerikano na kinabibilangan ng simbahan, musika, sining, eskultura, edukasyon, arkitektura at sistemang pampulitika. Pero di-tulad sa Beijing na ang mga pamanang pangkultura at sinaunang arkitektura ay nagpapakita, pangunahin na, ng mabahang kasaysayan ng Tsina at wala itong kaugnayan sa kasalukuyang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, masasabing ang tradisyonal na kultura at kasaysayan ng Pilipinas ay ipinagpapatuloy pa rin sa pamumuhay ng mga Pilipino ngayon.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>