![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
blogernest
|
Kahit walang aktuwal na pinagmulan ang nasabing balita, alinsunod sa mga narating bunga at kooperasyon ng Tsina at Amerika na gaya ng pagharap sa pagbabago ng klima ng buong daigdig, pagpawi ng kahirapan, sustenableng pag-unlad, malinis na enerhiya, pangangalaga sa kaligtasan ng kapaligirang ekolohikal at kalusugang pampubliko, at pagpapasulong ng pag-unlad ng agrikultura at industriya, masasabing posibleng isasapubliko ng Tsina ang mga hakbangin sa social security, employment, at mga isyung may kinalaman sa pagsasaka.
Nag-usap sina Pangulong Barack Obama ng Amerika at Wang Yang, Pangalawang Premyer Tsino at kinatawang Tsino na lumahok sa diyalogo
Walang duda, ikinararangal ng mga mamamayang Tsino ang mga natamong bunga ng bansang Tsina noong nakararaang mahigit 10 taon sa kabuhayan, siyensiya, at kultura. Pero kasabay nito, ikinababahala rin ng parami nang paraming karaniwang mamamayang Tsino ang mga isyung panlipunan na kinakaharap nila sa pang-araw-araw na pamumuhay na gaya ng pabahay, edukasyon, kalusugan, hanap-buhay at kapaligiran.
Ang naturang mga isyung panlipunan ay may kinalaman sa mga umiiral na kamalian sa mga patakaran ng pamahalaang Tsino noong mahabang panahon, na gaya ng pagpapahalaga lamang sa pag-unlad ng kabuhayan, pagpapabaya sa pangangalaga sa mga saligang karapatan ng mga mamamayan at kakulangan sa pangmatalagang pambansang plano.
Mga kinatawan ng Tsina at Amerika na lumahok sa diyalogo
Bilang dalawang pinakamalaking ekomoniya sa buong daigdig, ang naturang diyalogo ng Tsina at Amerika ay nagdudulot ng malaking epekto, hindi lamang sa mga isyung panloob ng isa't isa, kundi sa ibang mga bansa at rehiyon. Halimbawa ang relasyong militar at kooperasyon ng dalawang bansa sa isyung pandagat at panrehiyon ay may kinalaman din sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Sa ibang dako, ang Tsina ay isa pa lamang umuunlad na bansa, hindi sa pambansang kabuhayan at teknolohiya, pero sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, sistemang pulitikal at kaayusang panlipunan. Kaya ang nabanggit na mga isyu na ikinababahala ng mga mamamayang Tsino ay nagpapakita rin ng paglaki ng kanilang kahilingan sa katarungan at pagkakapantay-pantay na panlipunan, at ideyang demokratiko.
Ito ang dahilan kung bakit nagbigay ang mga mamamayang Tsino ng mas maraming pansin sa epekto ng naturang diyalogo sa mga isyung panloob ng Tsina, sa halip na ibang mga natamong bunga. Ito rin ay nagdudulot ng mga hamon para sa mga gawain ng pamahalaang Tsino sa hinaharap.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |