Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Halina't mag-aral tayo!

(GMT+08:00) 2013-07-22 17:03:32       CRI
Nagsimula na dito sa Tsina ang dalawang buwang summer vacation para sa mga estudyante. Pero hindi ito nangangahulugan na malaya silang naglalaro buong araw at gumawa ng ano mang gusto nila. Ang iba't ibang klase ng pagsasanay ay pangunahing lugar kung saan magpapalipas ang mga estudyante ng kanilang bakasyon.

Sa kasalukuyan, isa lang ang anak ng halos lahat ng mga pamilya dito sa Tsina, ibig-sabihin, ang pagmamahal ng mga magulang, at buong atensyon ng mga lolo at lola ay nakatutok lang sa isang bata.

Pero, kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, nababahala ang mga magulang sa pag-aaral ng kanilang anak. Dahil gusto ng lahat ng mga magulang na makakuha ang kanilang anak ng mas magandang kinabukasan, pero ang magandang edukasyon ay tanging landas sa kanilang kaisipan para maisakatuparan ang nasabing mithin sa buhay.

Kamakailan, naiulat sa website ng Xinhua News Agency ang isang balita na nagsasabing si Ginang Xu, mula sa Wuhan, Probisyang Hubei ng Tsina, ay nag-aaplay sa 17 klase para sa kanyang 5 taong gulang na anak mula noong 1 taong gulang pa siya.

Sinabi ni Xu na lumalakas ang kompetisyon sa lipunan, kaya kailangan na hubugin ang magandang ugali ng kanyang anak sa pag-aaral mula pagkabata, importante ito para makuha ang magandang tagumpay niya sa hinaharap. Sinabi rin niya na mas propesyonal ang guro sa pagtuturo sa mga bata at gumastos na si Xu ng mahigit 120 libong yuan RMB para sa pag-aaral ng kanyang 5 taong gulang na anak.

Ang mga magulang dito sa Tsina ay nagpapahalaga sa pag-aaral ng kanilang mga anak at ito ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ng ina sa anak. Pero kung ang mga klase ay lalampas sa katanggap-tanggap na antas ng mga bata, ito naman ay magdudulot ng mabigat na pasanin sa kanila. Sa katotohanan, nagiging mas malaki ang pagpapahalaga ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang anak kumpara sa noong mahigit 30 taon.

Sa isang dako, nagiging mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa Tsina kumpara sa noong panahon ng cultural revolution. Kaya nagkakaloob ang mga magulang ng mas magandang edukasyon para sa kanilang mga anak. Sa ibang dako naman, ang presyur sa paghahanap ng trabaho para sa mga bagong gradwyet ng mga pamantasan at kolehiyo ay unti-unting nakakaapekto sa mga bagong magulang.

Noong panahon pagkatapos ng cultural revolution, ang gradwyet ng pamantasan at kolehiyo ay ginagalang na katayuang panlipunan, sila ay may matatag na trabaho at magandang suweldo. Kasunod ng pagpapalaganap ng higher education dito sa Tsina, nagbago ang naturang kalagayan.

Ang halos 80% ng mga bagong gradwyet ay nakahanap ng trabaho, pero karamihan sa kanila ay nagbabago at nawawalan ng trabaho sa loob ng 3 taon pagkatapos ng grumadwyet. Walang duda, malakas talaga ang kompetisyon sa trabaho, sa ibang dako naman, malaya rin ang pagpili ng mga gradwyet sa kanilang karera.

Pero ang kalagayang ito ay hindi ankop sa inaasahan ng mga magulang sa matatag na trabaho. Bukod ito, ang nabanggit na kalagayan ay nagdudulot ng pagkabahala ng mga magulang sa suweldo at pagkakataong magkatrabaho ang kanilang anak sa hinaharap. Kaya dumarami nang dumaraming magulang sa Tsina ang pinipiling hubugin sa iba't ibang kahusayan ang kanilang anak sa mas maagang panahon.

Mainam ba ang ganitong edukasyon sa mga bata? Wala pang aktuwal na sagot. Pero tulad ng sinabi ni Ginang Xu sa nabanggit na balita, ang kanyang pinakamababang pag-asa ay buong sikap na isakatuparan ang tungkulin sa pag-aaral sa anak, at kung hindi siya magtatagumpay sa hinaharap, sana hindi ito dulot ng pag-aaral niya noong panahon ng pagkabata.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>