Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-32 2013

(GMT+08:00) 2013-08-15 16:58:28       CRI

August 11, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay, ha? At kung hindi man dahil may problema, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.

Kumusta at salamat kina Boyet ng Dasmarinas, Cavite; Bernie Cameo ng Far Eastern University Manila; Ebeth ng Florante, Pandacan, Manila; Ingrid ng Shunyi, Beijing, China; at Santa ng P. Casal, Quiapo, Manila. Abangan ninyo't babasahin ko ang inyong text messages maya-maya.

May chika si Super DJ Happy hinggil sa isang young actress na umano'y kumuntik nang tanggalin sa isang show dahil sa masyado raw maraming reklamo. Abangan ang Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sugpuin ang Droga

Sabi ni Nes Madarang ng Gagalangin, Tondo: "Hindi ko malaman kung kakaawaan o kamumuhian ko ang mga adik, Kuya Ramon. Matagal din akong pinerhuwisyo ng mga ito. Dapat talagang bigyang-dagok natin ang droga bago tayo tuluyang bigyang-dagok nito."

Sabi naman ni Plum Regalado ng University of Santo Tomas: "Ang mga tunay na mayaman ay simple lang kumilos at mapagkumbaba at mapagkawanggawa. Ang mga biglang-yaman ay mga hambog, mapang-alipusta at mapoporama at parang walang mga kaluluwa. Paalala lang: You can buy medicine but you cannot buy death."

National Bureau of Investigation

Sabi naman ni Dr. George ng Nakar, San Andres, Manila: "Gusto kong papurihan ang National Bureau of Investigation natin sa kanilang mahusay na paghawak sa kaso ng pamamaril ng PCG sa mangingisdang Taywanes. Hinawakan nila ito ng sarilinan at walang impluwensiya ng iba."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

I WILL ALWAYS LOVE YOU
(WHITNEY HOUSTON)

Narinig ninyo si Whitney Houston sa kanyang awiting "I Will Always Love You," na lifted sa album na pinamagatang "The Best of Whitney Houston." Kung natatandaan niyo, ang awiting iyan ang ginamit na theme song ng pelikulang "Bodyguard."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TAWA NA

Tunghayan natin ang mga mensaheng natanggap namin nitong nagdaang linggo.

Sabi ni Boyet ng Dasmarinas, Cavite: "Dati sa short-wave radio lang ako nakikinig ng inyong mga programa; pero, ngayon, sa webcast na. Kung minsan, may problema nga lang."

Shangrila

Sabi naman ni Bernie Cameo ng Far Eastern University: "Ano ba ang idea mo ng Shangrila, Kuya Ramon? Sabi nila, ito raw ay daigdig na pinaghaharian ng walang katulad na katahimikan at ang paligid nito ay puspos ng kagandahan."

Sabi naman ni Ebeth ng Florante, Pandacan, Manila: "Tuwang-tuwa akong malaman sa inyo na marami palang artista sa Hollywood na may dugong Pilipino at hindi nila itinatago ito at ipinagmamalaki pa."

Sabi naman ni Ingrid ng Shunyi, Beijing, China: "Tama sabi mo, Kuya Ramon. Parang kulang na kulang tayo sa diplomatic efforts. Masyado tayong nagpapadala sa impluwensiya ng Amerika."

Sabi naman ni Santa ng P. Casal, Quiapo, Manila: "Idol talaga kita, Bro. Wala akong masabi sa iyo. Alagaan mo lang ang sarili mo. Huwag naman masyadong subsob sa trabaho."

Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.

LOVER
(DAO LANG)

Dao Lang at ang awiting "Lover," na hango sa album na pinamagatang "The First Snow in 2002."

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang ulat ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang

e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-31 2013 2013-08-09 15:00:13
v Gabi ng Musika ika-30 2013 2013-08-01 16:22:25
v Gabi ng Musika ika-29 2013 2013-07-26 16:56:01
v Gabi ng Musika ika-28 2013 2013-07-19 18:24:52
v Gabi ng Musika ika-27 2013 2013-07-12 16:09:29
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>