Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Ilang kawani ng Gobyerno ang sapat para sa Tsina?

(GMT+08:00) 2013-09-09 13:21:42       CRI

Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, hanggang noong katapusan ng taong 2012, ang bilang ng mga civil servant sa buong bansa ay umabot sa 7.089 milyon. Ayon sa bilang na ito, ang proporsyon ng mga civil servant sa populasyon ng Tsina ay umabot sa 1:188.9 na pinakamababa sa buong daigdig.

Tunay ba ang bilang na ito? Ito ay nakatawag ng mainit na pagtalakay sa lipunan. Samantalang ipinalabas ng Central Discipline Commission ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang isang balita na nagsasabing mayroon itong 810 libong kawani sa iba't ibang antas.

Batay sa konsepto ng civil service, sila ang mga trabahador na kinukuha ng mga departamento ng pamahalaan para isagawa ang paglutas sa mga suliraning pambansa. At siyempre ang suweldo nila ay mula sa budget ng piskal ng pamahalaan.

Kung ganoon, ang mga tauhan ng Central Discipline Commission ng CPC ay hindi maituturing na mga civil servant. Dahil sila ay nagtatrabaho para sa CPC. Pero sa katotohanan, ang mga empleyado ng mga departamento ng CPC, ay tumatanggap ng suweldo mula sa piskal ng pamahalaan.

Mga Tsino na sumapi sa eksam para maging civil servant

Bukod sa kanila, narito may isa pang uri ng mga kawani ng pamahalaang Tsino. Sila ay may kaparehong kapangyarihan at gawain sa ibang mga civil servant. Pero hindi sila kasama sa itinakdang sistema ng civil service at ang kontrata nila sa pamahalaan ay pansamantala at mas madaling nakapasa sa pagsusuri. Samantala, mas madali silang tanggalin ng pamahalaan kung magkakamali sila sa trabaho. Halimbawa, ang mga urban management staff, o "Chengguan" sa wikang Tsino.

Kaya kung ibibilang ang naturang mga tauhan ng CPC at pamahalaan, napakarami ng bilang ng mga trabahador sa Tsina na tumanggap ng suweldo mula sa piskal ng pamahalaan. Kahit iba't iba ang aktuwal na gawain nila, ang katangian nila ay may kapangyarihang pampubliko.

Para sa naturang napakaraming empleyado, pinapansin ng malaki ng mga karaniwang Tsino ang resulta ng kanilang gawain sa pagsasagawa ng kapangyarihang pampubliko. Pero alinsunod sa kasalukuyang kalagayan, lumilitaw ang mga problema. At ang naturang mga problema ay may kinalaman, hindi lamang sa kanilang gawain, kundi maging sa kanilang mga kilos pagkatapos ng trabaho.

Halimbawa naganap kamakailan sa Probinsyang Henan ang isang kaso na inihagis ng isang pulis ang isang sanggol sa lupa. Ang kasong ito ay naiulat sa media isang buwan pagkaraang maganap ito. Kung ganoon, paano maniniwala ang mga mamamayan sa kredibilidad ng mga pulis?

Nauna rito, naganap rin sa Shanghai ang kaso ng pakikipagtalik ng mga opisyal at babaeng bayaran. Ang naturang mga kaso ay pangunahin na, may kinalaman sa kanilang kilos pagkatapos ng trabaho. Pero masama ang impluwensya ng mga ito sa paniniwla ng mga mamamayan sa pamahalaan at CPC.

Sa kasalukuyan, ang mga civil servant at empleyado ng departamento ng CPC ay mga trabaho na kaakit-akit para sa mamamayang Tsino, lalo na ng mga bagong gradwyet ng pamantasan at kolehiyo, dahil maayos ang kita ng mga civil servant at kawani ng mga departamento ng CPC, at mataas ang kanilang katayuang panlipunan.

Halimbawa 20839 ang itinakdang bilang ng mga civil servant na kukunin ng pamahalaang sentral ng Tsina sa taong 2013, pero ang bilang ng mga nagpatala ay umabot sa halos dalawang milyon. Ibig-sabihin, malakas ang kompetisyon para maging civil servant.

Sa kabilang dako, ang kalidad ng mga civil servant at kawani ng mga departamento ng CPC ay unti-unting nakakatawag ng pansin at pagkabahala ng lipunan. Kung ganoon, ilang civil servants ang sapat para sa bansang Tsina?

Back To Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>