Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-48 2013

(GMT+08:00) 2013-12-12 17:55:01       CRI

December 1, 2013 (Sunday)


Quote for the Day: "Judge a person by their questions rather than their answers."—Voltaire

Kumusta na kayo? Sana okay lang kayo riyan kahit na minamakmak tayo ng kung anu-anong problema. Ganyan talaga ang buhay, eh. Magpakatatag lang tayo at laging isipin na malalampasan din natin ang mga ito sa malao't madali.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang fund-raising campaign ng mga kababayan dito sa Beijing para sa mga nasalanta ng bagyo sa Samar at Leyte. Ngayong araw, may naka-schedule na dalawang concerts for a cause sa magkaibang venues dito sa Beijing. Talagang hindi maaalis sa mga Pilipino ang pagiging madamayin sa kapuwa, lalung-lalo na sa kanilang mga kababayan. Mabuhay kayo!

As usual, bibigyang-daan natin ang ilang short messages at e-mails as we go along, at ang latest chika ni Super DJ Happy sa huling bahagi ng ating programa.

Sabi ni Irish ng Shunyi, Beijing, China: "Talagang mahirap na ngayong mawari ang lagay ng panahon. Iyong mga lugar na dati ay di-binabaha ay lumulubog ngayon sa tubig, at iyong mga inuulan ay nadagdagan pa ang pag-ulan. Ang masaklap, sa atin din isinisisi ito. Ang tanong: Mababago pa ba ito?"

Sabi naman ni Nympha ng Olongapo City, Zambales: "Sa tingin ko, kailangan ng mga social workers at psychologists sa mga lugar na dinaanan ng bagyo. Maraming mga bata ang dumaranas ngayon ng trauma dahil sa nangyari sa kanila. Dadalhin nila ito hanggang sa kanilang paglaki kung hindi sila mabibigyan ng counselling."

Medical Personnel ng Tsina Patuloy sa Pagsisilbi sa mga Biktima ng Bagyo

Sabi naman ni Candy ng Cebu City, Philippines: "Patuloy pa hanggang ngayon ang pagsisilbi ng mga medical personnel ng Tsina sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. Pasalamatan natin sila sa ipinagkakaloob nilang serbisyo sa ating mga kababayan. Sana mabigyan sila ng plaque of appreciation ng ating pamahalaan."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

Bigyang-daan naman natin ang ilang mensahe mula sa ating textmates.

Sabi ni Lanie ng Espana, Sampaloc, Manila: "Narito ngayon ang Peace Ark ng China at libu-libong tao ang ginagamot. Salamat sa mga doctor at nurses ng China sa kanilang sakripisyo para sa mga Pilipino."

Peace Ark ng Tsina

Sabi naman ni Brenda Lim ng Kawit, Cavite: "Natanggap ko na reply mo sa e-mail ko, Kuya Ramon. Alam ko na bising-busy ka sa fund-raising activities ninyo. Alagaan mo lang katawan mo."

Sabi naman ni Elycia Tupas ng Quirino Highway, Malate, Manila: "Hindi lang tibay ng loob sa harap ng kalamidad ang hinahangaan ko sa ating mga kababayan Kuya Ramon, kundi pati ang kanilang pagiging maawain sa kapuwa. Maraming nagpakita ng kanilang generosity lalo na noong kararaan lamang ng bagyo."

Sabi naman ni Joyce ng Lumban, Laguna: "Mabuti rin iyong ginagawa ng U. N. na binibigyan ng trabaho iyong mga biktima ng bagyo. Malaki maitutulong niyon sa kanila dahil talagang walang-wala sila."

Sabi naman ni Lucy ng Circumferential Road, Antipolo: "Sana naman iwasan muna tayo ngayon ng bagyo. MagpaPasko at mahirap pag may ulan at baha. Minsan lang tayo mag-celebrate ng Christmas."

Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.

WITH THIS LOVE

(JOY ENRIQUEZ)

Iyan naman si Joy Enriquez sa kanyang awiting "with This Love," na buhat sa album na pangalan niya ang ginamit na pamagat.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>