Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Ang pag-unlad ng Tsina, pagkakataon para sa mga dayuhan na gustong magtrabaho dito

(GMT+08:00) 2014-03-03 16:19:33       CRI

Sa unang taon ng termino ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, ang reporma at pagsasaayos ng estruktura ng pambansang kabuhayan ay naging nukleong gawain ng pamahalaang Tsino. Buong sikap na pinasulong ng pamahalaang Tsino ang inobasyon sa mga industriya, lalo na ng mga high-tech at bagong sibol na industriya, proseso ng pagsasalunsod, at balenseng pag-unlad ng iba't ibang lugar ng bansa.

Kasunod ng pag-unlad at pagbubukas ng Tsina sa labas, lumalalim ang ugnayan sa pagitan ng kabuhayang Tsino at ibang mga bansa, hindi lamang sa kalakalan at pamumuhunan, kundi sa pagpapalagayan ng mga mamamayan, siyensiya at teknolohiya. Kaya masasabing ang mga gawain ng pamahalaan ni Premye Li ay hindi lamang magpapasulong ng kabuhayang Tsino, kundi magdudulot ng pagkakataon para sa dayuhang pamumuhunan at mga dayuhan na gustong magtrabaho sa Tsina.

Ang Tsina ay isang bansa na may napakayamang lakas-manggagawa, pero ang karamihan ng naturang lakas-manggagawa ay nagtitipun-tipon sa mga industriya ng manufacturing, pagpoproseso, mabigat na industriya, konstruksyon ng imprastruktura, at ilang uri ng serbisyo. Sa kabilang dako, kasunod ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, kinakailangan din ang mas maraming mahuhusay na manggagawa sa larangan ng kalusugan, edukasyon, household management, at hotel at ibang mga serbisyo.

Tulad ng alam ng lahat, ang wikang Ingles ay isang pandaigdigang wika sa business at communication. Dito sa Tsina, ang wikang Ingles ay katumbas ng isang mahalagang katayunan sa edukasyon, kalakalang panlabas at siyensiya. Samantala, napakalaki ng pagkakaiba sa pagitan ng wikang Tsino at wikang Ingles. Sa umiiral na sistemang pang-edukasyon, kulang ang bilang ng mga mahuhusay na guro na nagtuturo sa wikang Ingles, lao na sa pananalita at pakikipag-usap, dahil palagiang pinahahalagahan ng mga guro ang pagsusulat ng wikang Ingles para makakuha ang mga estudyante ng magandang marks sa eksam.

Ang mga gawain ng pamahalaan ni Li ay nagpapasulong ng pag-unlad ng mga lunsod, pero ang kasalukuyan hamon na kinakaharap ng mga lunsod dito sa Tsina ay ang mabilis na ritmo ng pamumuhay at polusyon sa kapaligiran, kaya ang isyu ng kalusugan ay unti-unting nakatawag ng mas maraming pansin ng mga mamamayang Tsino.

Kahit may malawak at komprehensibong sistemang pangkalusugan dito sa Tsina, hindi pa rin ito nakatugon sa paglaki ng pangangailangan, kasi kulang ang bilang ng mga doctor at nars, lalo na mga mahuhusay na nars. Sa kasalukuyan, kumpara sa napakabigat na presyur sa trabaho, hindi tumaas nang masyadong malaki kita ng mga nars. Bukod dito, kumpara sa ibang mga industriya ng serbisyo, manufacturing at pagpoproseso, mahinahon pa rin ang kabighanian ng kita ng mga nars. Kaya lumiliit ang bilang ng mga estudyante na gustong mag-aral ng kurso ng nars.

Ang isang hamon na kinakaharap ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay ang paghupa ng bentahe ng lakas-manggagawa dahil sa one child policy. Samantala, ito rin ay nagdudulot ng pagkakataon para sa industriya ng household management. Halimbawa, para sa isang couple dito sa Tsina, kailangan nilang pag-asikaso sa kanilang mga magulang at anak, at walang mga kapatid na maaring ibahagi ang kanilang presyur. Kaya kailangan talaga nila ang mga mahuhusay na kasambahay. Sa ibang dako, ang pag-asikaso sa sanggol ay ang napakahalagang gawain para sa mga magulang, lolo at lola, ito rin ay magandang kondisyon sa pagpapasulong ng industriya ng household management.

Sa katotohanan, kasunod ng pagbubukas ng Tsina sa labas, dumarami ang mga dayuhan na nag-aaral, nagtatrabaho at namumuhay sa Tsina. Kaya ang serbisyo na nakatugon sa naturang mga dayuhan ay isa pang magandang pagkakataon para sa mga dayuhang gustong maghanap ng trabaho sa Tsina, lalo na iyong mga dayuhang marunong mag-ingles. Kasi ang wikang Ingles ay isang pandaigdigang wika.

Isang taon na ang termino ni Premyer Li Keqiang ng Tsina at pina-uukulan ng pansin niya ang gawaing pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Kasunod ng pagbubukas ng Tsina sa labas, ito ay magdudulot ng mga bagong pagkakataon para sa mga dayuhan na gustong magtrabaho dito sa Tsina.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>