Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-17 2014

(GMT+08:00) 2014-05-21 15:14:08       CRI

May 4, 2014 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Marcel Proust

Quote for the day: "Let us be grateful to people who make us happy. They are the charming gardeners who make our souls blossom."--Marcel Proust

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pag-aaral ng isang Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Labor Day protest rally sa Maynila

Sabi ni Charlene ng Aguinaldo Highway, Imus, Cavite: "Ang May 1, International Labor Day, ay hindi lang araw ng paggawa kundi araw din ng mga manggagawa. Ito ay araw para papurihan ang labor sectors sa buong mundo dahil sila ang tumatayong gulugod ng mga pambansang kabuhayan. Nakakalungkot nga lang na, sa lahat ng sectors ng societies sa mundo, ang labor sector ang pinaka-kaawa-awa.

Sabi naman ni Winston ng Sucat, Paranaque: "Sa palagay ko mas maraming disadvantages kaysa advantages ang defense agreement natin sa U. S. Ang isang disadvantage ay maaring gamitin ng U. S. ang teritoryo natin para maiwasan ang pang-aatake doon mismo sa American territory ng alinmang kalaban ng U. S. Alam naman natin na ang U. S. ay laging involved sa gera."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

LAYLA
(ERIC CLAPTON)

Iyan, narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Layla," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Eric Clapton. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "Eric Clapton: Unplugged."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TEXT MESSAGES
(CIELO)

Tunghayan naman natin ang mga mensahe ng ating texters.

Sabi ng +63 928 442 0119: "Lahat ng problema sa pagitan ng mga bansa dapat lutasin sa pamamagitan ng peaceful dialogue at hindi sa pamamagitan ng economic sanction o sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamatay na armas."

Sabi naman ng +86 135 647 55772: "Para sa akin, hindi fair para sa mahihirap na bansa ang Trans-Pacific Partnership trade agreement. Ito ay pabor sa mayayamang bansa na tulad ng U. S. pero pahirap sa mga mahihirap na bansa o sa mga bansang nagsisimulang umunlad."

Sabi naman ng +63 906 522 9981: "Ay, naku naman, Mama Bel! Da hu ba ang nagsasabi na katapusan na ng mundo nila dahil sa problema? Mga tsaring! Kulang lang sila sa exposure kaya bumibigay sila. Matuto sana sila sayo, Mama Bel. Bugbog ka sa problema, di ba?"

Sabi naman ng +63 919 302 3333: "Let us pray for our newly canonized saints, Pope John Paul II and Pope John XXIII. Ipagdasal din natin iyong mga non-canonized saints na tulad ng marami sa atin na namuhay nang banal."

Sabi naman ng +86 138 114 09630: "Mas matagal pananakop sa atin ng Spain kaysa ng U. S. pero mas malaki ang impluwensiya ng U. S. sa buhay, kultura, lengguwahe at mentalidad natin. Pakiramdam ko, hanggang ngayon ay kontrolado pa rin tayo ng U. S. Kelan kaya tayo lalaya?"

Many, many thanks sa inyong text messages…

SA TABI NG BUTTERFLY SPRING
(HUANG YALI)

Iyan naman ang punung-puno ng himig na "Sa Tabi ng Butterfly Spring," na inawit ni Huang Yali at hango sa album na pinamagatang "Bata."

Ngayon, punta naman tayo sa Kusina ni Kuya Ramon at alamin natin kung ano ang hapunan natin ngayong gabi. Narito ang ating ipinagmamalaking cook, ang walang kasimbangong si Cielo.

COOKING SHOW
(CIELO)

Lotus Roots with Vinegar Sauce

Good evening Cooking Show friends! Ito si Cielo at sa segment na ito ng ating program, ituturo ko sa inyo ang pagluluto ng Lotus Roots with Vinegar Sauce. Ang recipe na ito ay puwedeng lutuin kung kayo ay abala at nagmamadali. Ihanda ninyo ang inyong mga notebook at ballpen o ipad at narito na ang mga sangkap:

Pangunahing Sangkap:

400 grams ng lotus roots.

Para sa Seasoning:

20 grams ng vegetable oil o kahit ordinaryong cooking oil
5 grams ng asin
10 grams ng asukal
20 grams ng vinegar
20 grams ng mixture of cornstarch and water

Paraan ng pagluluto:

1. Hugasan ang lotus roots tapos talupan at gayatin.

2. Magbuhos ng cooking oil sa frying pan. Pag mainit na ang mantika, ilagay at igisa ang lotus roots.

3. Ilagay ang asukal at suka at ituloy pa ang paggisa.

4. Lagyan ng 30 milliliter ng tubig at ilaga sa mababang temperature. Pagkatapos, ilagay ang asin at mixture of cornstarch and water bago haluin. Pagkaraan, puwede nang i-serve.

Sana nagustuhan ninyo ang recipe natin ngayong gabi. Itong muli si Cielo. Happy cooking and bye bye for now.

Salamat sa lahat ng nagpadala ng Labor Day greetings lalung-lalo na kina Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan; KC Orioste ng Lumban, Laguna; Plum Regalado ng U. S. T.; Angie ng Bulacan, Bulacan; Kate Ventura ng Paco, Manila; Pat Cusi ng Atimonan, Quezon; May Orendain ng Sta. Catalina College Manila; at Jennifer ng Shunyi, Beijing, China.

Sabi ni Art ng Bacolod City, very interesting daw iyong topic naming mabuting magnanakaw. Parang modern day Robinhood daw ang dating at parang may kalaliman kung iisipin. Thank you uli, Art.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0947 287 1451.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-16 2014 2014-05-14 16:45:18
v Gabi ng Musika ika-15 2014 2014-05-07 18:49:09
v Gabi ng Musika ika-14 2014 2014-04-30 17:12:52
v Gabi ng Musika ika-13 2014 2014-04-23 15:09:40
v Gabi ng Musika ika-12 2014 2014-04-16 21:33:46
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>