Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Impluwensya ng Timog Korea sa Tsina

(GMT+08:00) 2014-07-07 08:28:05       CRI

Sa kaliwa ng litrato ay si Pangulong Xi Jinping ng Tsina noong panahong nagtrabaho siya sa pamahalaan sentral ng Tsina mula taong 1979 hanggang taong 1982, at sa kanan ng litrato ay si  Do Min Joon, pangunahing bidang lalaki sa kilalang TV series ng Timog Korea na pinamagatang "My Love from the Star".

Sa kaliwa ng litrato ay si Pangulong Xi Jinping ng Tsina noong panahong nag-aaral at nagtrabaho siya bilang isang magsasaka sa lalawigang Sha'anxi ng Tsina noong 1970s, at sa kanan ng litrato ay si  Do Min Joon, pangunahing bidang lalaki sa kilalang TV series ng Timog Korea na pinamagatang "My Love from the Star".

Kahit naimpluwensiyahan minsan ng kulturang Tsino ang Timog Korea noong unang sinaunang panahon, mas popular sa Tsina ngayon ang mga bagay na may kinalaman sa kultura ng Timog Korea na gaya ng TV series, pagkain, music, damit, at mga artista.

Noong dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Tiomg Korea noong ika-3 ng buwang ito, sinabi sa Seoul ni Peng Liyuan, First Lady ng Tsina, na nanood na siya at kanyang anak ng TV series na pinamagatang "My Love from the Star" at ipinalalagay nila na si Xi Jinping, noong bata pa, ay kamukha ni Do Min Joon, pangunahing bidang lalaki sa series na ito.

Sa tingnan ng isang babae, walang duda, pinakaguwapo at pinakakaakit-akit ang kanyang asawa. Sa kabilang dako, ito'y nagpapakita ng malaking impluwensiya ng TV series ng Timog Korea sa Tsina.

Sa kasalukuyan, malaya ang pagpapalitan ng iba't ibang kultura sa buong daigdig. Kaya sa Tsina, nakakakita ng epekto ng mga dayuhang kultura. Halimbawa, nagiging popular ang mga TV show ng Tsina na gumaya sa mga programa ng Amerika at Britanya, dumaraming restawran ang nagbebenta ng mga pagkain na galing sa mga bansang Timog-silangang Asya, at nagugustuhan ng dumaraming Tsino ang mga dayuhang nobela.

Pero kumpara sa ibang dayuhang kultura, mas malaki at malawak ang epekto ng kultura ng Timog Korea sa Tsina.

Kahit napakapopular ng mga TV series ng Amerika at Britanya, wala itong kinalaman sa pagpili ng mga estudyanteng Tsino sa pag-aaral sa naturang dalawang bansa. Ang alitan ng Tsina at Pilipinas sa isyu ng South China Sea ay hindi nakaapekto sa mamamayang Tsino na naglakbay sa Pilipinas.

Ang impluwensiya ng kultura ng Timog Korea sa Tsina ay nagsimula ng ilang popular na TV series noong huling dako ng 1990s. Kasunod ng pagiging popular ng mga TV series ng Timog Korea sa Tsina, nagiging popular din ang mga artista, musika, at pagkain. Maski ang mga mamamayang Tsino ay bumisita sa Timog Korea para tingnan ang mga lugar na pinagsiyutingan ng TV series.

Bukod dito, ang impluwensya ng kultura ng Timog Korea ay lumalawak sa kaisipan ng mga mamamayang Tsino sa kasaysayan at kulturang Tsino. Kahit pinupuna ng mga dalubhasa at media ang maling kaalaman ng mga TV series ng Timog Korea sa kasaysayan at kulturang Tsino na gaya ng tradisyonal na Chinese medicine. Hindi ito nakakaapekto sa pagiging popular ng naturang mga series na tulad ng The Great Jang-Geum.

Sa kabilang dako, malawak na tinanggap sa Tsina iyong palagay na ang mga TV series ng Timog Korea ay binubuo ng mga macho-guwapo, magagandang babae, at nakakaakit na damit, pero walang magandang nilalaman. Pero wala pang lumilitaw na isang katulad na uri na TV series ng Tsina na napakapopular sa loob at labas na bansa.

Walang duda, naapektuhan nang malalim ng Tsina ang kultura ng Timog Korea sa kasaysayan, at ang malalim na pagkakaugnay sa pagitan ng kultura ng Tsina at Korea ay isang mahalagang dahilan hinggil sa mas madaling pagtanggap ng mga mamamayang Tsino sa mga bagay na may kinalaman sa kultura ng Timog Korea kaysa sa ibang mga kanluraning bansa.

Sa kabilang dako, ang malaking impluwensiya ng kultura ng Timog Korea sa Tsina ay nagpapakita ng mahinahong gawain ng Tsina sa pangangalaga sa tradisyonal na kultura at pagpapalaganapa ng modernong kultura.

Sa proseso ng integrasyon ng kabuhayang pandaigdig, ang pagpapalitan sa pagitan ng iba't ibang kultura ay hindi lamang isang usaping kultural, kundi maging sa pagpapasulong ng pambansang kabuhayan. Masasabing dapat pag-aralan ng Tsina ang magagandang karanasan ng Timog Korea para mapangalagaan ang tradisyonal na kultura, at mapasulong ang pag-unlad ng industriya ng kultura. Makikinabang rin dito ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>