Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-3 2015

(GMT+08:00) 2015-04-09 17:13:58       CRI

February 15, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving dj para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "Nothing is impossible. The word itself says, i'm possible."-- Audrey Hepburn

Kumust na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta sa lahat ng mga dabarkads diyan sa Adonis, Pandacan. Alam ko na mayroon kayong Valentine's party kagabi. Hindi ko kayo nabati dahil wala akong programa kagabi, kaya ngayon ko lang kayo nababati. Sana walang MU sa inyo kagabi at sana nag-enjoy kayo sa inyong party.

Sabi ni Vicky ng Ibarra, Sampaloc, Manila: "Bakit kaya may mga grupo na gustong bumaba sa puwesto si Pangulong Aquino dahil sa nangyari sa Mamasapano? Hindi naman fair iyon dahil ibinoto siya ng mga tao, eh. Hayaan na lang nila na tapusin niya ang term niya."

Sabi naman ni Rowena ng Malaybalay, Bukidnon: "Happy Valentine's Day at happy Spring Festival sa inyong lahat diyan, Kuya Ramon. Sana mapalawak pa ninyo ang programming niyo at sana magkaroon kami ng chance na makapag-contribute sa inyong special feature programs."

Salamat sa inyo, Vicky at Rowena.

WAITING FOR LOVE
(SERGIO MENDES AND THE BRAZIL 77)

Narinig ninyo ang awiting "Waiting for Love," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng Sergio Mendes and the Brazil 77. Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "Vintage 74."

Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng ilang textmates.

Sabi ni May Lesaca ng San Juan, Metro Manila: "Bago kita batiin ng Happy Chinese New Year, Happy Valentine's Day muna. Sino ba ang Valentina mo?"

Sabi naman ni Claire ng Pulong Bulo Angeles City, Pampanga: "Kung minsan parang nawawalan ng kawawaan ang pagtatalu-talo ng mga lawmakers natin pag nagko-conduct sila ng inquiry. Parang wala tuloy kauuwian."

Sabi naman ni Shawee ng Fangyuan, Beijing, China: "Hindi na maibabalik ang buhay ng mga nasawi nating kapulisan sa Mindanao. Ang isa sa pinakamagandang magagawa natin ay ipagdasal sila at ang kanilang mga naulila."

Sabi naman ni Annie Tanchico ng IBM Peralta Quiapo: "Popular din ba ang Valentine's Day diyan sa China? Ano kadalasan ang ginagawa nila to celebrate this special day? Meron din bang roses and chocolate? Curious lang."

Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Happy Spring Festival, Kuya Ramon. Pagpalain ka pa sana ni Lord ngayong taon at sana mag-multiply ang suwerte mo a hundredfold."

Thank you so much sa inyong text messages.

TRUE HEART HEROES
(EASON CHAN)

Iyan naman ang "True Heart Heroes," na inawit ni Eason Chan at hango sa album na may pamagat na "Digital Life."

At dumako naman tayo sa culinary portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Braised Prawns...

BRAISED PRAWNS

Mga Sangkap:

7 - 10 sariwang prawns
80 gramo ng cooking oil
10 gramo ng asin
20 gramo ng asukal
20 gramo ng cooking wine
10 gramo ng tinadtad na luya
20 gramo ng tinadtad na scallions
150 mililitro ng tubig na panabaw
30 gramo ng mixture of cornstarch and water
Vetsin

Paraan ng Pagluluto:

Linisin ang prawns. Tanggalin ang palpus o pares ng mahahabang buhok sa mga ulo ng prawns at lagyan ng paayong hiwa ang likod ng prawns para sa magandang absorption ng seasoning.

Initin ang mantika sa kawali. Igisa ang tinadtad na scallions at luya tapos ihulog ang prawns. Isunod ang cooking wine, asin, vetsin at asukal.

Ibuhos ang tubig na panabaw tapos takpan ang kawali. Bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 10 - 15 minuto.

Iayos ang prawns sa plato pero huwag aalisin ang sabaw sa kawali. Palakasin ang apoy tapos ihalo ang mixture of cornstarch and water sa sabaw. Pag malapot na ang sabaw, ibuhos sa prawns at isilbi.

Para sa inyong mga katanungan o suggestions, mag-e-mail lamang sa ramones129@yahoo.com of mag-SMS sa 0947 287 1451.

HAPPY OATH
(PANG LONG)

Mula sa album na pinamagatang "You Are My Rose," iyan ang awiting "Happy Oath" ni Pang Long.

May nagtatanong kung popular dito sa Beijing ang Valentine's Day. Oo naman, lalo na doon sa mga kabataan. Noong araw hindi talaga ganyan kapopular dito sa Beijing ang Valentine's Day. Pero ngayon iba na kasi ang panahon, eh. Iyong mga kabataan dito ay nakikisabay sa mga kagawiang Kanluranin kaya nga sabi, kahapon daw, nagkaubusan daw ng roses sa mga tindahan at nagtaas daw ng presyo, sobrang taas. Ganyan talaga...

Kung nakikinig si Elvira Chen ng Greenhills, San Juan, Metro Manila, sana natanggap mo na iyong matagal mo nang niri-quest na librong "The Medical Classic." Sorry for the daelay. Ngayon lang uli kami nakakuha ng kopya, eh.

Oras na naman para magpaalam. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pagsubaybay at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>