|
||||||||
|
||
March 8, 2015 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Quote for the day: "Life is what happens to you when you are busy making other plans."-- John Lennon
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.
Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto rito sa gabi ng musika atbp.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Sabi ni Jonah ng Potrero, Malabon City: "Masuwerte iyong isang kababayan natin na nag-aaral ng Chinese law sa Peking University. I understand na siya ay isang Chinese government scholar. Bihira ang ganung pagkakataon, kaya sana makumpleto niya ang kurso."
Sabi naman ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singpore: "Nagustuhan ni Misis iyong recipe na Beef with Snow Peas. Ang sarap-sarap daw ng dating. Nagustuhan ata ng mga amiga niya. Sana masundan pa raw iyong recipe na iyon. Lagi raw siyang nakaabang sa mga bago ninyong recipe."
Salamat sa iyo, Pareng Buddy at ganoon din sa iyo, Jonah. Pare, pakisabi kay Misis, marami pang kasunod iyan.
HARD CORE POETRY
(TAVARES)
Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Hard Core Poetry," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng Tavares. Ang track na iyan ay lifted sa album na may katulad na pamagat.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Bigyang-daan natin ang ilang text messages.
Sabi ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore: "Ano kaya ang tamang solusyon diyan sa kaguluhan sa Mindanao? Bakit hindi magkaroon ng katahimikan diyan?"
Sabi naman ni Bernie Brown ng Leon Guinto, Paco, Manila: "Huwag na kayong magtaka. Marami talagang nagpapaepal ngayon. Malapit na eleksiyon, eh."
Sabi naman ni Pinky ng Molino II, Bacoor, Cavite: "Hindi kita nabati ng happy Lantern Festival, Kuya Ramon. Maganda ba parada ng mga parol diyan?"
Sabi naman ni Jennifer ng Shunyi, Beijing, China: "Hi, Kuya Ramon! Dapat daw laging positive ang iniisip natin para daw in the end maganda rin kalabasan ng gawa natin. Tama ba?"
Sabi naman ni Nina ng New Territories, Hong Kong: "Thanks for sharing my quotes. Magpapadala pa uli ako sayo pag may nakita akong maganda. Nakaka-inspire naman talaga, di ba?"
Thank you so much sa inyong mga SMS.
SHOW AND TELL
(AL WILSON)
Iyan naman ang "Show and Tell," na inawit ni Al Wilson at hango sa album na may pamagat na "The Best of Al Wilson."
Punta na tayo sa lutuan portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Bell Peppers Stuffed with Mashed Potatoes.
BELL PEPPERS STUFFED WITH MASHED POTATOES
Mga Sangkap:
4 na malalaking bell peppers
Kalahating tasa ng pulang sibuyas (tinadtad nang pino)
Kalahating tasa ng pulang sili (tinadtad nang pino)
2 kutsara ng olive oil, asin at pamintang itim
1/4 na tasa ng sariwang kutsay o chive (tinadtad nang pino)
2 tasa ng niligis na patatas o mashed potatoes
2 tasa ng tomato sauce
Paraan ng Pagluluto:
Painitin muna ang oven sa temperaturang 350 degrees. Hiwain ang bell peppers sa ibabaw, doon sa gawing ibaba ng tangkay para magmukhang tasa tapos tanggalin ang mga buto pati mga gulugod. Sa mahinang apoy, pakuluan ang bell peppers sa loob ng 5 minuto tapos hanguin at itaob para maalis ang tubig sa loob.
Igisa sa mantika ang sibuyas at pulang sili hanggang sa lumambot ang sibuyas. Lagyan ng asin, paminta at chives at ihalo sa niligis na patatas. Ipalaman sa bell peppers ang niligis na patatas tapos itayo ang bell peppers sa malalim na kaserola tapos ibuhos ang tomato sauce sa kaserola pero huwag lalagyan ang loob ng bell peppers. Takpan ang kaserola at ihurno ang bell peppers sa temperaturang 350 degrees sa loob ng 20 minuto. Alisan ng takip at ituloy ang paghurno sa loob pa ng 5 minuto. Isilbi habang mainit.
SING LOUD AND CLEAR
(AN YOU QI)
"Sing Loud and Clear," sa pag-awit ni An Youqi. Ang Track na iyan ay theme song ng "2006 Super Girls."
May ilang SMS pa.
Sabi ng +63 921 993 5399: "Nata-touch ako ng inyong mga 'oldies but goldies' sa Gabi ng Musika. Tunay ngang golden classics bring back the good old days."
Sabi naman ng +49 242 188 210: "Kung babatiin ko kayo dahil sa inyong 'Kape't Tsaa,' walang katapusan ang aking pagbati. At kung pupurihin ko naman kayo, wala ring katapusan ang aking papuri. Iyan ang iniwang impression sa akin ng inyong 'Kape't Tsaa.' "
Sabi naman ng +41 787 882 084: "Thanks for remembering us in your program. You have our full support. You are doing great."
Kumusta sa lahat ng dabarkads diyan sa Shunyi, Beijing. Balita ko e nag-dinner daw kayo last Friday. Para saan ba iyong dinner na iyon? Para ba sa International Women's Day o para sa Lantern Festival? Sabi ng mga bubuwit ko ang dami raw pagkain. Potluck daw, eh. Naniniwala na ako na talagang nagda-diet kayo.
Para doon sa mga hindi nakakabatid, nitong nagdaang Huwebes, ipinagdiwang ng mga mamamayang Tsino ang Lantern Festival. Ang Festival na iyan bale ang culmination ng Chinese New Year. Diyan sa araw na iyan opisyal na nagtatapos ang celebration ng Chinese New Year.
Oras na naman para magpaalam. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pagsubaybay at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |