![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Nitong nagdaang Linggo, nagpaalam kami sa 48 batang Pinoy na kalahok sa Summer Camp ng Kulturang Tsino sa Beijing Chinese Language and Culture College at sinalubong din namin ang 14 estudyante ng Ateneo De Manila University na kalahok sa Immersion Program sa Peking University.
Kinapanayam kamakailan ng reporter ng Filipino Service na si Andrea ang mga estudyenteng taga-Ateneo. At narito ang kanilang pagpapakilala sa sarili.
Self-intro ng mga taga-Ateneo
2 linggong nananatili sa Beijing ang mga estudyante ng Ateneo at marami silang nararanasan at ibabahagi ng ilan sa kanila sa atin kung ano ang kanilang pinakapaboritong karanasan dito sa Beijing.
Kung anu-ano ang naranasan ng mga estudyante ng Ateneo
Gaya ng sabi nila, halos lahat sila ay pumunta sa Beijing sa kauna-unahang pagkakataon. Bukod sa nabanggit nilang makukulay na aktibidad na inorganisa ng Peking University, ang mga murang bilihin at mababait na taga-Beijing, pati ang mga companions mula sa Philippine Studies Program ng Peking University ay naka-impress din sa kanila.
Malalim na empresyon ng mga taga-Ateneo sa mga murang paninda at mababait na taga-Beijing
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |