Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-i-enjoy ng Ganda ng Hainan

(GMT+08:00) 2011-03-01 17:08:49       CRI

Vera: Magandang magandang gabi po mga giliw na tagasubaybay. Welkam sa binagong palatuntunan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito po si Vera.

Joshua: Siyempre, kasama si Joshua,

Vera: Para sa totally fresh column na--

Joshua & Vera: Sa Pali-paligid ng Tsina.

Joshua: Tuwing Lunes, isasalaysay namin sa inyo dito sa "Pali-paligid ng Tsina" ang mga katangi-tanging scenic spots, kultura, kaugalian, masasarap na pagkain at iba pang kainteres-interes na bagay sa iba't ibang lugar ng Tsina.

Vera: In short, all about China around China.

Joshua: Korek na korek ka diyan. Kung gusto ninyong malaman ang hinggil sa ibang lugar ng Tsina, feel free to contact us at ikatutuwa namin na maging guide ninyo. Vera, saan ang punta natin ngayong gabi?

Vera: Lalawigang Hainan, dahil kauuwi ko lang mula doon.

Joshua: Wow…for vacation o business trip?

Vera: Both! Habang nag-i-enjoy ng sikat ng araw, magagandang tanawin at masasarap na pagkain, kinapanayam ko din ang ilang opisyal ng lalawigang ito. Sa ating palatuntunan ngayong gabi, isasalaysay nila ang hinggil sa paglalakbay sa Hainan para sa kasiyahan ng ating mga tagapakinig.

Joshua: Sounds interesting! Puwede bang marinig muna ang brief introduction ukol sa Hainan.

Ang Lalawigang Hainan ay nasa pinaka-timog na bahagi ng Tsina at ito ay binubuo ng isang malaking isla na tinatawag na Hainan Island at mga maliliit na isla at karagatan sa paligid nito. Ang saklaw ng lupa ng Hainan ay mahigit 35 libong kilometro kuwadrado na katumbas ng 3 Palawan Island. Ang lalawigang ito ay sa gawing hilagang kanluran ng Pilipinas, ang layo sa pagitan nito at Luzon Island ay wala pang 1 libong kilometro at malapit din ito sa ilan pang bansang ASEAN na gaya ng Biyetnam, Brunei at Malaysia. Dahil dito, ang klima sa Hainan ay katulad ng mga bansang ito. Ang Hainan ay isa sa mga pangunahing destinasyong panturista sa Tsina, bukod sa bantog na beach, malaki ang saklaw ng kagubatan doon. Ang forest coverage rate sa Hainan ay 59.2%, mayroon doon 5 pristine tropical forest areas, 52 natural reserve zones at 8 forest parks. Marami rin ang mga hot spring sa Hainan. Mataas ang temperature ng tubig sa mga hot spring, mainam ang kalidad ng tubig at mabuting mabuti sa kalusugan ng tao.

Vera: Kinapanayam ko si Ginoong Chen Guojun, pangalawang direktor ng Hainan Tourism Development Commission. Ganito ang salaysay niya sa mga yamang panturismo ng Hainan.

"Ang klima at mga yamang panturismo sa Hainan ay katulad ng ilang bansang ASEAN. Ang mga tanawin dito na gaya ng dagat, beach, sunshine, coconut tree, tropical rain forest at iba pa ay katulad din ng ilang bansang ASEAN. Ngunit, may sariling katangian at bentahe sa turismo ang Hainan."

Joshua: Beach, sunshine, dagat…parang Pilipinas din, ha?

Vera: Talagang magkapareho ang yamang panturismo ng Hainan at Pilipinas. Mayroon kaming estadistika na nagpapakitang noong 2010, nakatanggap ang Lalawigang Hainan ng 663.1 libong bisitang dayuhan lahat-lahat, at 3.4 milyon ang bilang ng mga dayuhang manlalakbay patungong Pilipinas.

Joshua: Wow, ang naturang datos ng isang lalawigan ng Tsina ay katumbas ng 1/5 ng buong Pilipinas. Bakit nakahikayat ang Hainan ng ganito karaming bisitang dayuhan?

Vera: Sa tingin ko, bukod sa magandang tanawin at maginhawang klima, nagtatamasa ang Hainan ng mga patakarang preperensiyal na gaya ng tax refund policy at visa waiver policy.

Joshua: Alam kong para sa mga Pilipino, kung papasok sa Hainan at mag-iistay nang di-lalampas sa 15 araw ang isang di-kukulangin sa 5 tao na grupong panturista, magtatamasa sila ng free visa.

Vera: Korek. At narito ang salaysay hinggil sa tax refund policy sa Hainan.

Ang tax refund policy para sa mga dayuhang turista ay sinimulang pairalin sa Hainan noong unang araw ng taong 2011. Para rito, itinakda ng panig opisyal ang 3 shopping malls bilang tax refund authorized stores na kinabibilangan ng Minsheng Department Store, Shengsheng Department Store sa Haikou City, punong lunsod ng lalawigang ito at Summer Mall sa Sanya City, isang pangunahing lunsod na panturista. Inilakip sa tax refund list ang 21 uri ng mga paninda na gaya ng pananamit, produktong katad, alahas at iba pa. Sa kasalukuyan, 11% ang tax refund rate. Kung bibili ka ng mga panindang ito sa nabanggit na 3 shopping mall, sa panahon ng paglisan ng Hainan, maaaring mag-aplay ng tax refund sa mga paliparan.

Joshua: Kaugnay ng patakarang ito, dagdag ni Chen Guojun na,

"Ang tax refund para sa mga dayuhang turista ay isang mabuting patakaran. Sa rehiyong Asya-Pasipiko, bilang bantog na zero-tariff free trade area, isinagawa na ng Hong Kong ang patakarang ito nitong mga nakalipas na panahon, ngunit iilan lamang sa mga bansang ASEAN ang nagsasagawa nito. Ang pagsasagawa ng tax refund sa Hainan ay makakabuti sa pagpapababa ng consumption cost ng mga turista dito."

Vera: Ayon pa kay Chen, sa hinaharap, para lubos na makapagtamasa ang mga turista ng tax refund policy, ibayo pang kukumpletuhin at pabubutihin ng Hainan ang patakarang ito. Halimbawa, daragdagan ang mga authorized stores, ilalakip ang mas maraming uri ng mga paninda, pasisimplehin ang prosidyur ng pag-aaplay at iba pa.

Joshua: Ibig sabihin, magkakaloob ang naturang mga patakaran ng mas maraming ginhawa para sa paglalakbay sa Hainan.

Vera: Totoo. Para mapagyaman ang yamang panturismo, itinataguyod ng Hainan ang makukulay na aktibidad sa isla. Ang pinaka-bantog sa mga ito ay ang Miss World Finals.

Joshua: Talagang kaakit-akit para sa mga lalaki, haha…

Vera: You mean yourself?

Joshua: Siyempre, ako ay isa sa kanila. Ilalahad mo ba ang mas maraming detalye?

Vera: Walang problema. Ang international beauty pageant na ito ay idinaos sa Sanya, isa sa mga pangunahing lunsod na panturista sa Hainan, noong 2003, 2004, 2005, 2007 at 2010. Kaugnay ng mga aktibidad na ito, isinalaysay ni Du Liyin, direktor ng Sanya Tourism Development Commission, na:

"Para ang Sanya ay maging isang pandaigdig na lunsod na panturista, nagsasagawa kami ng 3 hakbangin, at isa sa mga ito ay pagtataguyod ng mga malaking aktibidad. Kung babanggitin ang Sanya, nasa isip ng maraming tao ang Miss World Finals, pero sa totoo lang, idinaos din dito ang mga iba pang aktibidad at ang isang halimbawa ay ang New Silk Road Model Competition na idinaraos nitong nagdaang 10 taong singkad. Bawat taon, idinaraos sa Sanya ang maraming makukulay na aktibidad na kinabibilangan ng mga aktibidad na pangkultura sa mga tradisyonal na kapistahan ng Tsina, mga orihinal na aktibidad na sarilinang inorganisa at mga aktibidad na may pandaigdigang impluwensiya."

Bukod sa naturang mga aktibidad na pangkultura, mayroon din sa Hainan ang mga taunang aktibidad na pampalakasan na gaya ng Round Hainan Island International Sail Race, Tour of Hainan International Road Cycling Race, Hainan International Amateur Golf Opening at iba pa. Kaya, kung masuwerte ka at maglalakbay sa Hainan sa panahong pinagdausan ng mga aktibidad na ito, magiging mas masagana ang iyong biyahe.

Joshua: Alam natin, ang masarap na pagkain ay isa pang mahalagang bahagi ng paglalakbay. Vera, yayamang pumaroon kayong mismo, meroon bang recommendations?

Vera: Siyempre. Kung pupunta sa Hainan, 4 na uri ng kilalang pagkain ay ang dapat tikman. Anu-ano ito? Wenchang Chicken, Jiaji Duck, Hele Crab and Dongshan Goat.

Ang Wenchang Chicken ay pinaka-bantog sa 4 na espesyalti sa Hainan. Para sa putaheng ito, ang pinakamahalaga ay ang manok na ginamit, sa halip ng paraan ng pagluluto. Ang manok na ito ay maliit at inaalagaan nang hindi nakukulong. Sa loob ng 30 araw bago ibenta, pinatutuka ang manok ng pinaghalong coconut and peanut bran, palay at peanut oil para maging mas masarap ang karne. Ang paraan ng pag-aalaga na ito ay nagsimula raw sa Wenchang County ng Hainan at ang putahe ay pinangalanan ng ganito. Hindi masalimuot ang paraan ng pagluluto ng Wenchang Chicken. Sa karaniwa'y inilalaga ang manok hanggang maluto lamang at hindi hinahayaang ma-overcook, walang iniwan sa well-done steak. Pagkatapos, winiwisikan ng sesame oil ang manok at hinihiwa-hiwa. Gumagawa ng dalawang uri ng sarsa na ang isa ay maalat at binubuo ng tinadtad na luya at bawang, vetsin at toyo at iyong isa ay maasim na binubuo ng white vinegar, asukal, asin at tinadtad na luya at bawang. Habang kumakain, iniiwan munang nakasawsaw ang piraso ng manok sa isang sarsa para mapagyaman ang lasa. Ang katangian ng Wenchang Chicken ay may kulay dilaw na balat, malambot ang karne, mataba, pero hindi mamantika. By the way, ang sabaw ng manok ay maari ring gamitin sa pagsasaing at masarap din ang kaning ito.

Joshua: Gutom na gutom na ko. Parang I can't wait to go to Hainan to try those delicious food.

Vera: You wish…parang gusto ko namang kumain ng Kung Pao Chicken pagkatapos ng trabaho, haha…

Joshua: Ok, time to say goodbye! Enjoy your dinner and see you next week!

Vera: Kita kits.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>