Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Daming Palace National Heritage Park

(GMT+08:00) 2011-03-07 16:27:17       CRI

Vera: Magandang magandang gabi sa mga tagapakining ng CRI Serbisyo Filipino. Ito po si Vera at naririto na naman kami para sa programang "Sa Pali-paligid ng Tsina"

Joshua: Ito naman po si Joshua. Magandang gabi ulit sa ating mga tag-subaybay. Magandang gabi rin sayo, Vera.

Vera: Magandang gabi Joshua.

Joshua: Kung noong nakaraang linggo nagpunta tayo sa Lalawigang Hainan, saan naman ang punta natin ngayong gabi?

Vera: Ngayong gabi, bibisitahin naman natin ang isa sa apat na sinaunang capital ng Tsina.

Joshua: Xi'an ba yan?

Vera: Yes! Ngayong gabi ipapakilala natin ang lunsod ng Xi'an. Heto, pakinggan natin ang maikling panimula hinggil dito.

Xi'an is one of the Four Great Ancient Capitals of China, used to be capital of 13 important dynasties in Chinese history. Famous tourism sites include Mausoleum of Qin Shi Huang and his Terracotta Army, Giant Wild Goose Pagoda, Famen Temple and so on. Xi'an is called Chang'an during the Tang Dynasty. During that time, Xi'an is one of the biggest and most prosperous city in the world, like now the New York, Paris and London.

Joshua: Actually nakapunta na ko sa Xi'an at iyung mga nabanggit kanina, kung hindi ako nagkakamali, ay napuntahan ko na-- terracotta warriors, giant wild goose at museum ni qin shi huang.

Vera: Ako din, noh? Hahaha… Hindi mo naitatanong taga-Xi'an ako. Lahat ng napuntahan mo napuntahan ko na, at iyong mga di mo pa napupunthan, napuntahan ko na rin. Hahaha…

Joshua: Maliban sa mga ito Vera, anong bago ang maihahandog ng Xi'an sa mga nais pumunta dito? This is your time to make Xi'an proud of you Vera!

Vera: Hahaha… Maliban sa mga nabanggit, binuksan na din sa mga turista ang Daming Palace.

Joshua: Daming Palace? Aba, mukhang bago 'ata ito, a! Parang hindi ko pa ito napuntahan. Anong mayroon sa Daming Palace na ito.

Vera: Relax ka lang. Masyado kang excited, e, hahaha. Heto, pakinggan natin ang salaysay ni Frank.

"Ang Daming Palace ay pinakamalaki, pinakamaluho at pinakamaringal sa tatlong royal palace ng Tang Dynasty. Sinimulang itayo ito noong 635 A.D. at natapos ang konstruksyon pagkaraan ng 28 taon. Ang Daming Palace ay nasa hilagang silangan ng Lunsod ng Xi'an at ang saklaw nito ay 3.2 kilometro kuwadrado na mas malaki nang halos 4 na beses kaysa sa Forbidden City sa Beijing. Ang kabuuang haba ng city wall ng Daming Palace ay mahigit 7.6 kilometro at mayroon itong 3 pangunahing hall, 1 malaking lawa, 1 imperial garden, 11 city gates at mga iba pang arkitektura. Sa loob ng mahigit 200 taon pagkaraang itayo, ang Daming Palace ay tahanan ng pamilya ng emperador at sentrong pangseremonya at pampulitika ng pamahalaan ng Tang Dynasty. Ngunit, noong 896 A.D., nawasak ang Daming Palace sa digmaan."

Joshua: WOW! Sobra naman ang laki nun vera! Totoo ba na halos 4 times ng Forbidden City ang laki nito?

Vera: Halos apat na beses nga ang laki! Kaya kung napagod ka sa paglalakad sa Forbidden City, bago ka pumunta ng Daming Palace, i-exercise mo muna mga tuhod mo, hahaha…

Joshua: Hoy, matibay 'to baka 'kala mo, hahaha. Pero, Sayang at nawasak. Gaano kaya katagal bago ito nabuo uli? Siguro mga ilang taon din, noh?

Vera: Mahaba din ang ginugol na panahon para sa pag-aayos ng nawasak na Palasyo at noong nakaraang taon lang binuksan sa mga turista.

Joshua: Aaaa, last year din ako pumunta ah, ba't parang di ko maalala yung daming palace?

Vera: Basta ako napuntahan ko na. Anyway, nakapanayam ko si Wang Shuanghuai hinggil sa pagbubukas nito. Heto't pakinggan natin ang kanyang salaysay.

"Noong unang araw ng Oktubre, 2010, pormal na binuksan sa mga turista ang Daming Palace National Heritage Park na naitayo sa heritage site ng Daming Palace batay sa pangkasaysayang pananaliksik at konkretong posisyon ng mga arkitektura. Ang 3.7 kilometro kuwadradong parkeng ito ay nagpapakita sa mga turista ng kasaysayan at karingalan ng Daming Palace. Sa loob ng parke, may muling naitayong city wall at Danfeng Gate, pinakamalaking city gate, remains ng mga arkitektura na kinabibilangan ng 3 pangunahing hall na Hanyuan Hall, Xuanzheng Hall at Zichen Hall at muling naitayong Taiyechi Lake at imperial garden. Makikita rin ng mga turista ang miniature ng Daming Palace at eksibisyon ng mga relikya ng Tang Dynasty."

Vera: Ayun, Oktubre naman pala binuksan kaya di mo inabutan.

Joshua: kaya naman pala. Teka lang, ang ganda kasi ng pagkaka-describe sa Daming Palace parang hindi ko lubos maisip na ganun siya kaganda. Ganun ba talaga Vera?

Vera: Ganun talaga kalaki at para sa akin maganda at makabuluhan iyung Daming Palace, dahil mararamdaman mo talaga iyung mga kapanahunan noon. Pero depende na talaga sa tao iyun e.

Joshua: Tama ka din. Oo nga pala, paano nila sinimulan itong muling pagtatayo ng Daming Palace at malamang hindi naman na-recover lahat, di ba?

Vera: Mahirap nang marekober lahat dahil nga nawasak sa giyera. Heto, pakinggan natin ang salaysay ni An Jiayao, puno ng Xi'an Branch ng Institute of Archaeology ng Chinese Academy of Social Sciences, tungkol dito.

"Sa pamamagitan ng archaeological research, nalaman namin ang saklaw ng palasyo at konkretong posisyon ng mga arkitektura. Ang Heritage Park ay sumasaklaw sa buong Daming Palace. Ngunit, sa kasalukuyan, nahukay lang ang iilang bahagi ng remains at sa hinaharap, patuloy pa ang paghuhukay."

Vera: Sinabi naman ni Wu Chun, pangalawang puno ng Daming Palace Heritage Site Preservation and Reconstruction Office na,

"Muling itinayo namin ang city wall ng Daming Palace sa pamamagitan ng modernong materyal, pero ang kulay nito ay pareho sa orihinal na city wall."

Joshua: Iba na talaga ang panahon ngayon, noh? Akalain mo, iyung mga sinaunang bagay ay naipapatayo pa rin. Pati yung posisyon ng palasyo at saklaw ng palasyo, the so called "age of modern technology".

Vera: Sa tingin ko din kung walang tulong ng teknolohiya, maaring hindi pa sana ito naipatayo o hindi magiging konkreto ang posisyon at hitsura nito.

Joshua: Naku, tumatanda na tayo, dapat humabol tayo sa technology para hindi tayo mapag-iwanan! Hahaha…

Vera: At nabanggit mo din lang ang technology, mas lalo kang magugulat kung malalaman mo kung ano mayroon sa loob ng daming Palace.

Joshua: You mean, meron pang iba?

Vera: Pakinggan mo itong mabuti…

"Naitayo rin sa loob ng Daming Palace ang isang sinehan na may imax screen at spherical screen. Manonood dito ang mga turista ng mga documentary film na "Legend of The Daming Palace" at "Royal Palace of Tang Dynasty" na nagsasalaysay ng kasaysayan ng Daming Palace at kultura at pamumuhay ng mga tao sa Tang Dynasty. Naitatanghal din sa loob ng parke ang ballet drama "Love in the Daming Palace" na may kinalaman sa kuwento ng mga emperador ng Tang Dynasty at kani-kanilang mga asawa."

Joshua: Huh? Hindi lang imax screen, may spherical screen pa! Madalang lang akong manood ng IMAX at, sa aking pagkakaalam, wala pang spherical screen sa Pinas. Hahaha, at na-experience mo ang mga ito?

Vera: Yes. Maganda siya, hahaha… Kaya lang, hindi ko napanood yung ballet drama e, heheha…

Joshua: Nakakainggit naman. Next time nga, isama mo ako hehehe.

Vera: Next topic. Hahaha

Joshua:Syempre, tulad nga ng sinabi ko dati, hindi lang tourist spots ang importante para sa aming mga turista; hinahanap din namin ang masasarap na pagkain sa lugar na binibisita. So, ano mayroon sa Xi'an?

Vera: 0ws… ikaw lang, e.. Matakaw ka kasi, hahaha, kaya nga naghanda ako ng mahabang listahan ng mga pagkain na nararapat lamang tikman sa pagdalaw sa Xi'an. Heto, akinggan natin:

"Kung magpupunta ng Xi'an, ang iba't ibang masasarap na pagkain, lalong lalo na, tradisyonal na pagkain ng lahing Muslim, ay karapat-dapat na tikman. Sa Muslim Street sa sentro ng kalunsuran, nakahilera ang maraming maliliit na restawran at makikita ninyo dito ang iba't ibang uri ng kilalang pagkaing lokal na gaya ng Shredded Bread Soaked in Mutton Stew o tinatawag na Yang Rou Pao Mo sa lokalidad, Muslim Dumplings, Shaanxi Sandwich o Rou Jia Mo, Cold Rice Noodles o Liang Pi, Dumpling Stuffed with Hot Gravy o Guan Tang Bao, Steamed Glutinous Rice o Jing Gao at iba pa. Ang Yang Rou Pao Mo o Shredded Bread Soaked in Mutton Stew ay pinakakatangi-tanging pagkain sa Lalawigang Shaanxi.

Joshua: Paano siya naging katangi tangi?

Vera: teka hindi pa nga tapos e.hehe

Kataka-taka ang paraan ng pagluluto ng Yang Rou Pao Mo. Magbibigay ang restawran ng isang malaking mangkok at unleavened bread sa panauhin. Ang laki ng unleavened bread na ipinagkakaloob nila ay depende sa gana sa pagkain ng mga panauhin. Kailangang pira-pirasuhin nang maliliit ang tinapay para masipsip ang lasa ng likido. Mas maliliit ang piraso, mas maganda ang resulta. Oras na maihanda ang inyong tinapay, iabot ang inyong mangkok sa chef na siyang maghahalo nito sa hot mutton soup. Pagkaraan ng 5 hanggang 10 minutong pagluluto, mai-enjoy ninyo ang masarap na Yang Rou Pao Mo.

Joshua: Mukha masarap yung Shredded Bread Soaked in Mutton Stew, ah. Sayang yung punta namin sa Xian last time. Tour kasi kami, e, tapos hindi masyadong nakakain ng mga ganito.

Vera: Kaya next time kung pupunta ka sa isang lugar, the best pa rin kung may kaibigan kang taga roon para ma-experience mo talaga ang tunay na kagandahan ng lugar.

Joshua: Salamat vera. At dahil gusto kong bumalik ulit sa Xi'an, hindi ko kakalimutang balitaan ka, hahaha…

Vera: Hahaha, okay…At diyan nagtatapos ang ating palatuntunan ngayong gabi.

Joshua: Muling makita-kita sa susunod na Lunes sa "Pali-paligid ng Tsina".

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>