Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kuwento ni Joshua sa Sichuan--Episode 1

(GMT+08:00) 2011-04-18 16:52:40       CRI
Vera: Alam niyo ba mga kaibigan na nakaalis na ng Beijing si Joshua habang pinakikinggan ninyo ang episode ng programang ito ngayong gabi.

Joshua: haha tama ka diyan Vera, lalakbayin ko ang probinsya ng Sichuan at mga isang Linggo din po akong mawawala.

Vera: Napakasuwerte mo naman! Talagang nakakainggit ka! Sigurado akong mag-enjoy ka doon dahil napakaganda talaga ng lugar na iyon!

Joshua: haha sabi nga nila marami daw mapupuntahan sa lugar na ito. Hindi ba't sa timog bahagi ito ng Tsina? Nakapunta ka na ba dito Vera? Mayroon ka bang mga rekomendasyon tulad nalang ng mga tanawing dapat puntahan o pagkain. etc?

Vera: 'Sensya na Joshua, hindi pa ako nakapunta pero mayroon akong isang kaibigang nakapunta na sa Sichuan, baka siya ay makatulong sayo.

Joshua: Sino naman itong kaibigan mo?

Vera: E di iyong kaibigan nating si Melo。

Joshua: a talaga? cge tawagan ko siya mamaya para makahingi naman ako ng mga payo at mga rekomendasyon niya sa pagpunta sa Sichuan.

Vera: Bakit mamaya pa? Tawagan na natin ngayon para mapakinggan na rin ng ating mga tagasubaybay ang kanyang mga karanasan sa pagbisita sa Sichuan.

Joshua: Cge, tawagan na natin.

Vera: heto't tatawagan ko na at kaw kakausap a.

Telephone conversation

Vera: Joshua,matapos mong pakinggan ang mga sinabi ni Melo tungkol sa Sichuan, hindi ba't parang kawili-wili talagang puntahan ang lugar na iyon?

Joshua: Lalo nga akong naexcite e! Pero nakita ko na iyung inihandang biyahe e, hindi ko naman yata mapupuntahan iyung mga napuntahan ni Melo tulad ng Leshan at Emei Shan.

Vera: Hindi bale, marami ka ding mapupuntahang lugar na malamang hindi pa din napuntahan ni Melo. Malay mo isang kakaibang Sichuan, iba sa kwento ni Melo ang makikita mo sa iyong paglalakbay.

Joshua: Sang-ayon ako diyan. At baka mas maganda pa ang aking magiging palagay sa probinsya Sichuan. Sa ganda'y ayaw ko na bumalik ng Beijing. hindi ba?

Vera: malay natin. Marami ding magagandang babae doon. Haha hihintayin namin ang iyong pagbabalik, at maghanda ka sa susunod na episode dahil kailangan mo ibahagi sa ating mga tagapakinig hinggil sa iyong paglalakbay sa Sichuan.

Joshua: Okay. Walang problema.

Vera: Wish you have a great vacation!

Joshua: Salamat!

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>