Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paglalakbay sa Sichuan pagkatapos ng lindol

(GMT+08:00) 2011-04-25 17:31:27       CRI

Magandang magandang gabi po, mga kaibigang Pilipino everywhere in the world. Welcome sa programang "Sa Pali-paligid ng Tsina". Ito po si Vera at ngayong gabi, hindi natin makakasama ang aking co-host na si joshua sa programang ito.

Noong isang linggo, bumisita si Joshua sa Lalawigang Sichuan sa timog kanluran ng Tsina. Ang Sichuan ay ika-5 pinakamalaking lalawigan sa Tsina at kilalang kilala ito hindi lamang dahil sa maanghang na Sichuan Cuisine, kundi rin sa magagandang tourist spots sa buong lalawigan. Ngayong gabi, sariwain natin ang biyaheng ito ni Joshua sa pamamagitan ng pakikinig sa mga report na ginawa niya mula sa Sichuan.

Ang Chengdu na nabanggit kanina ni Joshua ay punong lunsod ng Lalawigang Sichuan, ito ay nasa gitna ng lalawigan at halos 3 oras ang pagsakay ng eroplano para makarating mula sa Beijing. Ang Chengdu ay unang stop ng biyahe ni Joshua, pero hindi matagal ang kanyang pananatili roon, dahil ang pangunahing destinasyon niya ay ang mga lugar sa dakong hilagang kanluran ng lunsod na ito na grabeng apektado sa napakalakas na lindol na naganap noong 3 taong nakaraan o tinatawag na Wenchuan Earthquake. Ang layunin niya ay upang bisitahin ang naturang mga lugar na muling naitayo pagkaraan ng likas na kapahamakang ito. Kaya, anu-ano ang mga lugar na pinuntahan ni Joshua? Heto't pakinggan natin.

Tulad ng sinabi ni Joshua, mula sa Chengdu pumunta siya sa Shui Mo Town at Mutuo Town sa ika-2 araw ng kanyang biyahe sa Sichuan. Ang Shui Mo Town ay mahigit 16 na kilometro lamang mula sa epicenter ng Wenchuan Earthquake at hindi rin malayo ang Mutuo Town. Kapwa may mahabang kasaysayan ang dalawang bayang ito at pagkaraan ng lindol, muling naitayo ang dalawang ito na naging mga lugar na panturista.

Gusto kong isalaysay pa ang hinggil sa Shui Mo Town. Nawasak ang halos buong bayang ito sa lindol at sa panahon ng rekonstruksyon, muling naitayo ang mga arkitektura batay sa lumang istilo at ginamit ang mga old-style building materials, kaya mukhang luma ang mga bagong naitayong arkitektura. Sa Shui Mo Town, makikita rin ninyo ang makukulay na pamumuhay ng Etnikong Qiang, isang pambansang minorya sa lokalidad.

Pagkaraan ng Shui Mo Town at Mutuo Town, pumunta si Joshua sa isang lugar na mas malapit sa epicenter. Saan ang lugar na ito? Sandali lang, patuloy na pakikinggan ang kanyang report pagkaraan ng ilang saglit.

Mga giliw na tapasubaybay, welcome back sa programang Sa pali-paligid ng Tsina. Ito po si Vera at patuloy kayong nakikinig sa kuwento hinggil sa katatapos na biyahe ng aking kasamang si Joshua, sa Sichuan.

Sa ika-3 araw, bumisita si Joshua sa dalawang Beichuan Town--Beichuan Old Town at Beichuan New Town. Ang Beichuan Old Town ay sa tabi lamang ng epicenter ng Wenchuan Earthquake at pagkaraan ng lindol, hindi na ito muling inayos at ginawang bilang memorial park kung saan ginugunita ang mga namatay na idinulot ng malakas na lindol. Ang Beichuan New Town naman ay malayo sa Old Town. Naitayo ito pagkaraan ng lindol na kung saan dito inilikas ang mga nakaligtas mula sa Old Town. Kamusta ang pagbisita ni Joshua sa dalawang lugar na ito? Patuloy nating pakinggan.

Bukod sa nabanggit na mga lugar, pumunta rin si Joshua sa isang AAAA tourist spot sa Sichuan, ang Nianhua Village. Ang Nianhua ay salitang Tsino at kung sa Ingles, ito ay nangangahulugan ng New Year Painting. Kawili-wili, hindi ba? Bakit ganito ang pangalan ng nasabing nayon? Pakinggan pa natin ang salaysay ni Joshua.

Mga giliw na tagasubaybay, hanggang diyan na lang ang pagbabalik-tanaw natin sa gabing ito tungkol sa biyahe ni Joshua sa Sichuan. Bagama't maikli ang biyahe, marami pang mga lugar ang napuntahan ni Joshua. Sa susunod na programang "Sa Pali-paligid ng Tsina", patuloy na ikukuwento ko, kasama na natin si Joshua, ang kanyang biyahe sa Sichuan. Kaya't huwag niyo pong kakalimutang pakinggan ang aming programa sa susunod na Lunes.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>