![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ang hinggil sa Lalawigang Henan
Ang Henan ay isa sa mga inland province ng Tsina. Ito ay nasa central region ng bansa. Kalimitan ay tinuturin ding zhongyuan or zhongzhou ang Henan na ang literal na kahulugan ay central plains or midland. Pumapangalawa ang populasyon ng probinsyang ito bilang pinakamalaking probinsya batay sa populasyon na umaabot na ngayon ng 100 milyon.
Sa aking pagkakaalam 3 sa pitong lumang capital ng Tsina ay nasa henan. Ito ay ang Luoyang, Kaifeng at Anyang, kaya nga't ang Henan ay isa din sa mga probinsya na kung saan may pinakamadaming historical relics sa bansa.
Mangshan Mountain
Ang Mangshan Mountain na kung tawagin din ay Northern Mangshan ay matatagpuan sa hilaga ng Luoyang City isa sa mga syudad ng Henan at umaabot sa hilagang-kanlurang bahagi ng Zhengzhou Ciy.
Sa Mangshan Mountain maaari mong mapuntahan ang Wulongfeng (Peak of Five Dragons) is the major scenic spot in the tourism zone. Yinluxuan (Guiding Corridor), Kaijinxuan (Corridor of Broadening the Mind) and Zijinge (Purple and Golden Pavilion), Shanheyilanxuan (Corridor of Overlooking the Mountain and River).
noong sinaunang panahon inilalarawan ng mga tao ang Mangshan na " Kahit 50 milya ang haba ng Mangshan, walang bakanteng lote dito para higaan ng baka" .
Katangi-tanging Pagkaing sa Zhengzhou-- Stewed Noodle o Hui Mian
Ang Stewed Noodle o Hui Mian ay isang katangi-tanging putahe ng noodle sa Henan. Magkakaiba ito sa mga karaniwang noodle, dahil ito ay kinakain kasama ng sabaw ng karne, lalung-lalo na ng karne ng tupa, at mga sangkap na gaya ng karne ng tupa, sea weed, bean curd, coriander, black fungus at iba pa na nagdaragdag ng lasa sa noodle. May isang kuwentong pangkasaysayan hinggil sa pinagsisimula ng Hui Mian. Noong sinaunang panahon, may isang matatanda na mahilig sa pagkain ng noodle. Noong may-sakit siya, hindi dapat kumain siya ng matabang putahe at gusto niyang kumain ng noodle. Pero inisip ng kanyang pamilya na walang sustansiya ang karaniwang noodle, kaya sinubok nila ang pagluluto ng noodle kasama ng sabaw ng karne ng tupa. Masustansiya ito, pero hindi mataba. Pagkaraang kumain ng noodle na ito, mabilis na gumaling ang matatanda at ipinangalan niya sa noodle na ito na Hui Mian.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |