Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe ni Joshua sa Lalawigang Henan--Episode 3

(GMT+08:00) 2011-05-23 14:48:30       CRI

Ang Hinggil sa Luoyang

Ang Luoyang ay isa sa mga lunsod na may pinakamahabang kasaysayan sa Tsina at sinasabing dito nagsimula ang sibilisasyon ng Nasyong Tsino. Ang kauna-unahang lunsod na naitayo noon ay ang Luoyang ngayon. Itinayo noong 2070 BC at ang unang tatlong dinastiya ng Tsina ay pawang nagtayo ng kani-kanilang kabisera sa lugar na ito. Pagkaraan nito, ang Luoyang ay naging kabisera rin ng ilang mahalagang dinastiya ng Tsina at nananatili itong isa sa mga pinakamahalagang lunsod sa kasaysayan ng bansa.Ang Luoyang ay isa sa mga lunsod na may pinakamahabang kasaysayan sa Tsina at sinasabing dito nagsimula ang sibilisasyon ng Nasyong Tsino. Ang kauna-unahang lunsod na naitayo noon ay ang Luoyang ngayon. Itinayo noong 2070 BC at ang unang tatlong dinastiya ng Tsina ay pawang nagtayo ng kani-kanilang kabisera sa lugar na ito. Pagkaraan nito, ang Luoyang ay naging kabisera rin ng ilang mahalagang dinastiya ng Tsina at nananatili itong isa sa mga pinakamahalagang lunsod sa kasaysayan ng bansa.

Luoyang, City of Peony

Ang Luoyang ay kilala rin dahil sa isang uri ng bulaklak na tinatawag na peony. May mahigit 1400 taon na ang kasaysayan ng pagtatanim ng peony sa Luoyang at dahil dito kaya't tinagurian "The City of Peony" ang Luoyang. Dahil sa angkop na angkop na lupain at klima sa lokalidad, ang bolyum ng mga peony na naitatanim sa Luoyang ay pinakamalaki sa Tsina at isa rin ito sa pinakamagandang bulakalak sa Tsina.

Longmen Grottoes

Ang Longmen Grottoes ay matatagpuan sa 12 kilometro sa dakong timog ng Lunsod ng Luoyang. Ang mga nililok dito'y pawang may kinalaman sa relihiyong Budismo. Ang mga grotto ay matatagpuan sa matatarik na dalisdis ng dalawang magkatapat na bundok sa magkabilang pampang ng Ilog Yishui na kung saan ang Bundok Longmen sa silangang pampang at Bundok Xiangshan sa kanlurang pampang.

Humigit kumulang sa isang kilometro ang haba ng Longmen Grottoes mula timog hanggang hilaga. Sinimulang tabtabin ang Longmen Grottoes noong 493 AD sa panahon ng Dinastiyang Hilagang Wei dahil ang emperador nito ay isang matapat na mananampalataya sa Budismo at hanggang sa kasalukuyan, ang Budismo ay nanatiling pinaka-pangunahing relihiyon sa Tsina.

Pagkatapos ng Hilagang Wei, ang mga dinastiya ng Tang, Song at 3 pa ay nagtabtab din ng malaawakn doon ng mga grotto. Tumagal ng mahigit 400 taon saka natapos ang pagtatabtab. Sa ngayo'y may 2345 grottoes at niches , mahigit 100 libong istatuwa ng Buddha, 43 pagodas at mahigit 3600 tablets at steles ang matatagpuan sa Longmen Longmen Grottoes.

Pepper and Chili Soup

Ang Hu La Tang o Pepper and Chili Soup ay isang popular na sabaw na pang-almusal sa Henan at sa karaniwa'y kinakain ito kasama ng siopao, steamed bun, pancake, deep-fried dough sticks at iba pa.

Ang Hu La Tang ay isang uri ng malapot na sabaw ng karneng baka o karneng tupa at pinaghaluan ng mga iba pang sangkap na gaya ng bean noodles, sea weed, fried bean curd, spinach at iba pa. Nagiging malapot ang sabaw na ito dahil nilalagyan ito ng harina habang hinahalo. Ang black pepper powder at five-spice powder naman ay mga pangunahing pampalasa ng Hu La Tang at bago kainin, winiwisikan din ito ng chili oil para magkaroon ng anghang ang sabaw.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>