![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ang Shaolin Temple o Shaolin Monastery sa Mount Song ng Zhengzhou sa Lalawigang Henan ng Tsina ay itinatag noong 495 A.D. ng dinastiyang northern Wei bilang paggunita sa isang Indian Monk na si Bodhidharma (o Da Mo sa wikang Tsino). Si Bodhidharma ay founder ng Chinese Chan Buddhism at nagpalaganap siya minsan ng kanyang Chan's theories dito, kaya itinuturing ang Shaolin Temple na pinanggagalingan ng Chinese Buddhism.
Bukod sa Chinese Chan Buddhism, kilalang kilala rin sa daigdig ang Shaolin Temple pagdating sa martial arts o tinatawag na Shaolin Kungfu. Alam natin, may magkakaibang uri ang Chinese Kungfu, at di-tulad ng ibang Kungfu, may napakalalim na nilalamang pangkultura't panrelihiyon at kumpletong sistema ang Shaolin Kungfu.
Sapul noong 791 AD, sinimulang itayo ang mga pagoda na ito bilang bahagi ng libingan ng mga bantog na monghe ng Shaolin Temple. Sa ilalim ng lupa ay inilibing ang bangkay o abo ng yumaong monghe at sa ibabaw naman ay pagoda.
Ang Pagoda Forest sa Shaolin Temple ay binubuo ng mahigit 230 pagoda na yari sa bato o laryo. Ang mga ito ay hindi lalampas sa 15 metro ang taas at ang bilang ng palapag ay mga odd numbers lamang mula 1 hanggang 7. Iba iba din ang hugis ng mga pagoda na ang karamihan ay hugis silindro at poligono at kung hugis-poligono ito, ang bilang ng mga gilid ay maaaring 4 o 6 lang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |