Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wuxi

(GMT+08:00) 2011-06-06 16:51:56       CRI

Ang Wuxi ay isang makasaysayang lunsod sa Lalawigang Jiangsu sa silangang Tsina at dumaraan dito ang Beijing-Hangzhou Grand Canal. Ang lunsod na ito ay isa sa 10 pinakamagandang tourist cities ng Tsina at kilala ito dahil sa Lawa ng Taihu at kanal.

Mayroon nang kanal sa Wuxi bago pa man magkaroon ng Beijing-Hangzhou Grand Canal. Ang kanal na ito ay hinukay noong 3000 taon na ang nakaraan para sa irigasyon at pag-iwas sa baha. 11 kilometro ang kabuuang haba ng kanal na ito na tumatawid sa lunsod. Sa panahon ng konstruksyon ng Beijing-Hangzhou Grand Canal, inilakip bilang bahagi ang kanal sa Wuxi. Ang kanal at mga makasaysayang arkitektura sa dalawang pampang nito ay dalawa sa mga pangunahing elementong panturismo sa Wuxi.

Boat parade

Ang boat parade ay idinaos gabing-gabi sa Wuxi simula sa ika-15 ng Abril ng taong ito at tumatagal ito ng 5 araw. Ito ay isang bagong aktibidad na panturista para maitampok ang kanal sa Wuxi. Lumahok sa parada ang 15 malaking bangka, 15 katamtamang laking bangka at 20 maliit na bangka na espesyal para sa mga turista at naglayag ang mga ito sa kanal sa loob ng 2 hanggang 3 oras. Magandang maganda ang mga bangkang ito, lalung-lalo na ang mga malaking bangka, dahil nilagyan ang mga ito ng maraming ilaw.

Ang naririnig ninyo ay theme song ng boat parade na may pamagat na Love of the Ancient Canal. Ang taga-Wuxi na si Ginoong Shan Qi ang sumulat ng liriko at kumatha ng himig nito, samantalang ang lalaking mang-aawit na Tsino na si Wang Ziming naman ang kumanta.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>