Chengde, paraiso para sa pagtakas sa init ng panahon
(GMT+08:00) 2011-06-13 17:39:55 CRI
Nasa hilagang kalunsuran ang Chengde Mountain Resort and its Outlying Temples. Tumagal nang 87 taon ang konstruksyon ng buong arkitektura mula noong 1703 hanggang 1790. 5.64 milyong metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng Mountain Resort na kinabibilangan ng mahigit 120 bahay, palasyo, templo, pagoda, tulay at iba pang gusali, at kabilang dito, pinakakilala ang 72 scenic spots na ipinangalanan nina Emperor Kangxi at Emperor Qianlong noong Qing Dynasty.
Ang buong resort ay nahahati sa tatlong sona—sona ng mga lawa, sona ng mga kapatagan at sona ng mga burol. May 8 lawa ang 496 libong metro kuwadrado na lakes area. 607 libong metro kuwadrado naman ang saklaw ng sona ng mga kapatagan kung saan idinaos ng mga emperador ang horse races at pangangaso. Sa 4.435 milyong metro kuwadrado na sona ng mga burol naman, itinatag ang mahigit sandaang palasyo at temple.
Sa labas ng mountain resort, may 8 templo ng Tibetano Budismo na tinatawag na Eight Outer Temples, o Wai Ba Miao sa wikang Tsino. Sunud-sunod na itinatag ang naturang 8 templo mula noong 1713 hanggang 1780. Dakila at maluningning ang anyo ng mga templong ito at katangi-tangi ang estilong arkitektural. Kabilang dito, ang Putuo Zongcheng Temple ay karapat-dapat na banggitin, dahil itinatag ang templong ito para makatulad ng Potala Palace sa Lhasa, Tibet.
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig