![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Jinji Lake
Ang Jinji Lake o Lawa ng Ginintuang Tandang ay isang likas na lawa sa loob ng Suzhou Industrial Park. Ito ay pinakamalawak na inner city lake sa Tsina namy saklaw na 7.82 kilometro kuwadrado na mas malawak nang 1.2 kilometro kuwadrado kaysa bantog na West Lake ng Lunsod ng Hangzhou.
Ang pagsakay ng bangka at paglalayag sa Jinji Lake sa gabi ay unang choice ng mga turista para ma-injoy ang napaka-gandang tanawin ng lawa at mga arkitektura sa paligid ng lawang ito na pinapalamutian ng mga maluningning na ilaw. Puwede ring bumisita sa Peach Blossom Island sa loob ng lawa kung saan pinagtataniman ng maraming bulaklak ng peach.
Suzhou Ferris Wheel
Ang Suzhou Ferris Wheel ay may 120 metro o 390 ft na taas at ito matatagpuan sa silangang pampang ng Jinji Lake. Natapos ang konstruksyon ng ferris wheel na ito noong 2009. Mayroon itong 60 passenger cabins na maaaring sakyan ng 300 pasahero. Nangangailangan ng 20 minuto para gumawa ito ng isang ligid.
Ang Suzhou Ferris Wheel ay tinatawag na "ferris wheel sa tubig," dahil ang supporting frame sa isang tabi nito ay naitayo sa surface ng Jinji Lake. Pagkaraang tumaas sa taluktok, magkakaroon ang turista ng magandang tanaw ng buong lawa. Pinapalamutihan din ang ferris wheel ng mga LED lights, kaya lubos itong maganda, at makulay sa gabi.
Ligong Causeway
Ang Ligong Causeway sa Jinji Lake ay may habang 1400 metro at naitayo ito mahigit 110 taong nakaraan. Sa kasalukuyan, ang ancient causeway na ito ay naging isang modern street kung saan nagtitipon ang maraming restauran, bar, SPA, at iba pa na may istilong Tsino at kanluranin.
Bagama't isang commercial street, hindi talagang maingay at crowded ang Ligong Causeway. Maaaring maglakad sa kalye para makita ang magandang tanawin ng Jinji Lake o pumasok sa isang recreational and leisure place para maglibang. Ang mga ito ay pawang mga mabuting paraan para sa mga lokal na residente at turista para maranasan ang mabagal, tahimik at relaxed na pamumuhay sa Suzhou.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |