Ang Pilipinas ay nasa tropical zone, pero, iba ang klima nito sa Beijing. Ang karaniwang temperature ng Beijing ay mas mababa sa buong taon kaysa PIlipinas, pero, sa tag-araw, mainit naman ang Beijing, lalu-lalo na sa Hulyo. Sa panahong ito, ang pinakamataas na temperature ng Beijing ay lumampas sa 38?, hinggil dito, malalim ang impresyon ni George, isang bandman mula sa Pilipinas na nagtatrabaho sa Beijing. Namumuhay siya dito sa 4 na taon. Nang mabanggit ang klima ng Beijing, sinabi niyang sobrang mainit ang Beijing sa tag-araw, at dahil kaunti ang ulan kumpara sa Pilipinas, kaya nararamdaman mong lubhang init dito.
Ang Beijing ay isang lunsod na malayo sa ilog o dagat, kaya, kulang sa ulan at tuyo ang klima. Bilang isang dalaga, pinag-iingatang husto ni Anat ang kaniyang balat. Sinabi ni Anat, sa Beijing, pinakamahalaga ang kahalumigmigan para sa balat, dapat mag-ingat ka para huwag patuyuhin ang iyong balat dahil sa kakulangan ng tubig at huwag limutin ang pagkamit ng moisturer pagkaraan ng paligo.
Sa katunayan, ang pinakamalaking pagkakaiba ng Beijing at Pilipinas sa klima ay ayon kay George, sa Beijing maliwanag ang apat na seson sa Beijing: tagsibol, tag-araw, taglagas at taglamig. Ang tagsibol ay mula Marso hanggang Mayo, ang tag-araw ay mula Hunyo hanggang Agosto, ang taglagas ay mula Setyembre hanggang Nobyembre at ang taglamig ay mula Disyembre hanggang Pebrero. Sa katunayan, kung ihahambay sa iba pang lunsod sa timog Tsina, bilang isang lunsod sa dakong hilaga, natatangi ang klima ng Beijing.