|
||||||||
|
||
Andres: "Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon"
Nasaan si Andres?
Ah...kinukuha niya ang larawan~
J: Magandang gabi, mga giliw na tagapakinig, ngayong araw ay New year. Manigong Bagong Taon! Ito si Jason.
XJ: Manigong Bagong Taon! Ito si Xian Jie. Ang naririnig ninyo ay espesyal na programa hinggil sa pagdiriwang ng bagong taon.
J: Unang araw ng bagong taon na. ngunit, sa Pilipinas, baka, nagtatamasa ang mga Pilipino ng pinakamahabang Pasko sa daigdig.
XJ: Totoo. Kasi para sa mga Pilipino, ang Pasko ay para sa pag-alaala, pasasalamat sa diyos, sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Bawat tao ay nagkikimkim ng pusong pasalamat.
J: Oo nga. Bago ang Pasko, inihandog namin ang CRI online programa para mangalap ng mga mabuting paraan para ipagdiwang ang Christmas Eve, ngayon, mainit pa ang topic na ito sa aming website, parami nang paraming tagapakinig ang nag-alok ng kanilang mungkahi. Tuwang-tuwa kaming lahat.
XJ: Maraming maraming salamat sa inyong mataimtim na paglahok. Tatanggapin ang regalo ng lahat ng tagasubaybay na sumulat sa aming website. Kasi, kung wala kayo, wala rin kami.
J: Really. Maraming salamat. Noong isang Linggo sa Christmas Day, isinalaysay namin sa mga tagasubaybay ang hinggil sa isang bandang Pilipino na nagpalabas dito sa Beijing.
XJ: Oo nga. Anette, Robert, George at Badjao. Sila ang microcosm ng mga Pilipinong nagtatrabahong sa Tsina.
J: At masaya ang kanilang pamumuhay dito. Ngayong gabi, isasalaysay ko naman sa ating mga magiliw na tagapakinig ang isang mag-aaral na Pilipino sa Tsina, masaya rin ang kanyang pamumuhay sa Beijing. Pakinggan muna natin ang kanyang self-introduction.
XJ: O, Andres, isang estudyanteng Pilipino na nag-aaral ng mandarin sa Beijing. At sabi niyang ang kanyang barkada ay nakahandang tumikim ng mga masarap na pagkaing Pilipino!
J: Oo nga. Para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon. Maraming aktibidad ang inihandog sa Beijing para sa mga Pilipino.
XJ: Wow, talagang marami.
J: Mayaman din ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
XJ: Sa tingin ko, ang pagmamaster ng second o third language ay piece of cake para sa mga Pilipino. At parami nang paraming Pilipino ang pumili sa pag-aaral ng wikang Tsino dahil sa sumusulong na relasyong Sino-Pilipino.
J: Oo. Nag-aaral ang mga Pilipino sa ibayong dagat para sa negosyo, pagkatuto ng teknolohiya ng ibang bansa at iba pa upang paunlarin ang Pilipinas.
J: Dahil sa pagdating ng mga dayuhan mula sa apat na sulok ng daigdig, maraming natututuhan ang Beijing at unti-unting tumutungo ang Tsina sa dereksyong pagsasainternasyonal.
XJ: Nagpapasulong sila sa isa't isa.
J: Siyembre! Bilang estudyante, matatapos ang semester na ito sa susunod na ilang araw, hindi makikisama sa kanilang pamilya ang mga estudyanteng Pilipino na gaya ni Andres para ipagdiwang ang Pasko at bagong taon. Sa pamamagitan ng aming programa, nagpahayag si Andres ng kaniyang new year resolution.
XJ: Nagpahayag siya nga ng komong hangarin ng mga Pilipino sa ibayong dagat.
J: Hinggil sa New Year resolution, marami ang sinabi ng aming mga tagapakinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |