|
||||||||
|
||
Si Andres ay isang Pilipino na ilang beses na pumunta sa Tsina at nandito ngayon sa Beijing para sa pag-aaral. Marami niyang gustong sabihin hinggil sa mga Tsino.
Malawak ang teritoryo ng Tsina, kaya magkakaiba ang mga Tsino sa iba't ibang lugar at pati ang kani-kanilang diyalekto. Sabi ni Andres na "Actually, magkakaiba ang mga tao nasa southern at northern parts of China. Una pa lang, yong pagbigkas ng mga salita. Isang language, pero iba't ibang tone nila. Gumagana ako kasi sa southern China, ang accent ko ay southern China. Pagdating ng northern part, minsan mahirap na maiintindihan ang mga salita, pero, masasanay din ako."
Ayon kay Andres, may isang masamang ugali ang mga Tsino, pero mayroon nang pagbabago ngayon. Anya, "Dati, mahilig ang mga Chinese na dumura sa daan. Ngayon, may ganoon pa ring, pero karamihan ng mga tao ang malinis sa katawan, hindi dumura, lalong lalo na inyong younger generations. Sa Pilipinas, ganoon pero, sobrang minority ang ganoon, kasi tinitingnan ng mga tao kung dumura kung saan saan."
Medyo positibo ang pagtasa ni Andres sa mga kabataan sa Tsina. Sabi niya "Sa Tsina, ngayon, dahan dahang nagbabago na. Kasi inyong younger generations ang nagiging mas modernized, higher level ang iyong standards nila. Tumataas ang inyong standards of younger generations."
Kaugnay naman ng kanyang mga kaibigan sa eskuwelahan, sabi ni Andres na "Masayang nag-aaral ako sa Beijing kasi syempre, may freedom, namamahala ako sa sariling kagigising, kakain at lahat. Maraming may mga kilalang bagong kaibigan, mga classmates. Marami ring natuturo everyday, may mga bagong vocabularies, puwedeng mag-usap sa mga native Chinese sa school. Siguro in common, para sa mga Tsino at Filipino, matutuwa silang may foreigners. Sobrang warm at welcoming. Kaya, hindi natatakot ang mga foreigners na mag-communicate sa mga Chinese."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |