Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkakaibigan, sinimulan sa"Miss Saigon"

(GMT+08:00) 2010-03-26 16:37:15       CRI

 

Noong 2006, si Lea as nasa 4th year college, huling taon niya sa kolehiyo. Dahil sa konti lamang ang kanyang subjects, wala siyang gaanong aralin at maraming-marami siyang malayang oras.

Isang hapon naisip niyang maghanap ng kaibigan sa ibayong dagat sa pamamagitan ng internet. Pumasok siya sa Myspace website at nagsimulang mag-search. Noong panahong iyon, giliw na giliw siya sa British musical na "Miss Saigon", kaya ang gusto niyang makilala ay iyong katulad din ng sa kanya ang kinahihiligan. Finally, lucky enough, nakakita siya ng prospective friends at ang mga ito ay mula sa Estados Unidos, Britaniya at Biyetnam. Ang napili ni Lea sa tatlo ay iyong mula sa Estados Unidos, si Amelou, isang Pilipino na naninirahan sa Amerika. Hindi niya inaakala na ang pagpiling ito ay pagmumulan ng isang amazing experience sa pakikipagkaibigan.

Sinabi ni Lea na : "May time difference sa pagitan ng Tsina at E.U. Kung dito sa Tsina ay hapon, doon sa E.U. naman ay gabi. Ako ay free sa hapon at si Amelou naman ay free sa gabi."

Ito ay di pangkaraniwang gabi para kay Amelou na dalawang taon nang naninirahan sa Amerika kasama ng kanyang pamilya. Isinilang siya sa Pilipinas at sa nakaraan, pumupunta siya sa iba't ibang bansa sa buong daigdig, pero hanggang sa panahong iyon, wala siyang anumang alam hinggil sa Tsina. Noong gabing iyon, natagpuan niya si Lea mula sa Tsina at agad na naging magkaibigan sila.

Gusto rin ni Lea hsiyempre na malaman ang hinggil sa Pilipino dahil ang kaniyang pinakanagugustuhang mang-aawit ay si Lea Salonga, heroine ng "Miss Saigon" at iyon din ang dahilan kaya bininyagan niya ang kanyang sarili ng "Lea".

Sila ay dalawang magkaibigan na may mahigit 20 taong agwat sa isa't isa. Sa tingin ni Lea, ano kayang uri ng tao si Amelou?

"Siya ay isang mainit at bukas na tao, tapat sa kaniyang kaibigan. Hindi sagabal sa pagkakaibigan namin ang agwat ng aming gulang. Walang agwat dahil ng taong gulang sa pagitan natin. We can talk almost about everything."

Mula tag-init noong 2006, pinananatili nina Amelou at Lea ang madalas na pag-ugnayan sa isa't isa sa pamamagitan ng internet. parami nang parami ang kaniyang chatting at palalim nang palalim ang kanilang pagtitiwalaan sa isa't isa. Hanggang noong 2007, gumawa si Amelou ng isang kapasiyahan: pupunta siya sa Tsina para bisitahin si Lea. At noong katapusan nga ng 2007, naisakatuparan ang mithiin niya. Dati, sa litrato lamang nila nakikita ang isa't isa.

"Ang pagkikita namin sa kauna-unahang pagkakataon ay isang karanasan na hindi ko makakalimutan. Sinalubong ko siya sa paliparan ng Beijing. Sa gitna ng agos ng mga pasahero mula sa E.U., agad kong nakita si Amelou at marahil hindi pa naglilipat-saglit, nakita rin niya ako! Halos magkasabay na nakilala namin ang isa't isa. Nagkatitigan kami at kapuwa namin na-realize na: yes, ikaw nga iyon! "

Nagdala si Amelou ng 3 malalaking bagahe at ang isa sa mga ito ay puno ng mga regalo para kay Lea. Sa kanilang chatting noong nakaraan, nalaman ni Amelou ang mga bagay na gustung gusto ni Lea, kaya binili niya ang mga ito at talaga namang na-surprise ng husto ang young lady from China.

Sinabi ni Lea na sa simula, kapuwa nila naramdaman na magkaiba pala ang feeling sa internet at sa actual experience. Aniya, more or less, may pagkakaiba sa pagitan ng real person at larawan. Pero, pagkaraan ng magkasamang paghahapunan nang araw ring iyon ng pagdating ni Amelou, hindi na nila itinuturing ang isa't isa bilang "virtual reality friends," kundi "real friends."

Sa kaniyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina, kasama ni Lea, si Amelou ay bumisita sa Great Wall at iba pang magagandang lugar na panturista, hindi lamang sa Bejing, kundi maging sa lunsod ng Jinan, hometown ni Lea sa Silangang Tsina. Sa Jinan, dumalaw sila sa Baotu Spring, Daming Lake at Qianfo Hill. Ang pagdalaw sa kauna-unahang pagkakataon sa Tsina ay tumagal nang 10 araw at ito ay nag-iwan kay Melou ng malalim na impresyon. Nagustuhan niya ang mga tao at lugar sa Tsina.

At kalahating taon pagkaraan nito, noong Mayo ng 2008, muling dumalaw sa Tsina si Amelou, kasama ang kaniyang asawa. At noong isang linggo, sa ika-3 pagkakataon, tinanggap ni Lea ang kaniyang kaibigang Pilipino sa Beijing. Sa pagkakataong ito rin, nakakilala si Amelou ng iba pang mga kaibigang Tsino na kinabibilangan ko, si Any, mula sa Serbisyo Filipino. Umaasa akong maraming ulit pang makakadalaw sa Tsina si Amelou at magkakaroon ng marami pang kaibigang Tsino.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>