Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kuwento ng mga babaeng mangangakal sa Nanning

(GMT+08:00) 2010-11-11 12:45:29       CRI

Hello, mga giliw na tagasubaybay! Ito si Lele at welcome muli sa "Mga Pinoy sa Tsina." Sa ating programa ngayong gabi, ibabahagi ko sa inyo ang mga kuwento ng mga babaeng mangangakal na nakatagpo ko sa Nanning.

Mahigit isang linggo na ang nakaraan, bumisita ako sa Nanning ng Rehiyong Autonomo ng Guangxi sa dakong Timog ng Tsina para sa coverage ng China ASEAN Expo. Doon, maraming Pinay ang nakatawag ng aking pansin at sila ay mga babaeng mangangakal na kalahok sa Caexpo at ang isang bagay na nag-iwan ng malalim na malalim na impresyon sa akin ay ang kanilang pagiging haping-happy sa kanilang pagsasagawa ng kanilang mga negosyo.

Sa Philippine Pavilion sa loob ng venue ng pagtatanghal ng CAEXPO——Nanning International Convention & Exhibition Center, nakita ko si Doris Gacho, namamahalang tauhan ng pavilion na ito. With pleasure, ipinakilala ni Doris ang kanyang sarili.

(sound 1 Doris 00'21")

Si Doris ay isang neat-looking woman na noon ay naka-black at noong mga oras na iyon, medyo naguguluhan siya dahil sa isang paper box. Ang kahong ito ay pag-aari ng Philippine Pavilion, nguni't gusto ng isang customer na iuwi ito. Nagsisikap si Doris na ipaliwanag sa cutomer na hindi ito puwedeng iuwi, pero dahil sa language barrier, hindi ito maunawaan ng customer. Nagpapaliwanag si Doris sa wikang Ingles. At dahil naroon ako, ako na ang umaktong translator at natapos ang gulo. Pagkaraan nito, binigyan ako ni Doris ng isang matamis na ngiti. Namalas ko ang kanyang nangingintab na puting ngipin. Hinggil sa kaniyang kasalukuyang Gawain, isinalaysay niyang:

(sound 2 Doris 02'08")

Sa loob ng Philippine Pavilion, may iba pang babaeng mangangalakal, si Betty ay isa sa kanila at nasisiyahan siya sa takbo ng negosyo sa kanyang booth. Maraming pumapasok sa kaniyang booth at pawang kinagigiliwan nila ang kanyang Philippine made shell products.

Si Edillee ay isang walang kasing-sayang babae. Ang kanyang booth ay nagbebenta ng natural body lotion. Ibinahagi niya sa akin ang kaniyang karanasan.

Bumili rin ako ng isa sa kaniyang mga produkto —— isang body butter na amoy avocado at pagkaraang umuwi, lagi ko na itong ginagamit. Sa kasalukuyan, tuyong tuyo dito sa Beijing, at ang body butter ni Edillee ay nakakatulong sa akin. Gustung-gusto ko ito.

Ukol sa karamihan ng naturang mga babaeng mangangakal, ang pagdating sa Nanning ay hindi kanilang kauna-unahang pagkakataong bumisita sa Tsina. Si Doris ay 3 beses nang nakapunta sa Tsina. Bago pumunta sa Nanning, nakabisita na rin siya sa Guangzhou at Beijing. Pero, ang lunsod na pinakagusto niya ay Nanning at umaasa siyang makakalahok muli sa Caexpo sa susunod na taon.

salin:wle

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>