Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sulyap sa Beijing mula sa aking bintana 2

(GMT+08:00) 2011-01-21 12:53:08       CRI

 

Lele: Hello, mga giliw na tagasubaybay, ako si Lele, kasama ko ulit si Rhio, welcome sa programang "Mga Pinoy sa Tsina." Alam na natin mula sa programa noong nagdaang linggo na si Rhio ay nagtatrabaho sa Serbisyo Pilipino ng CRI, isang buwan na sapul nang siya ay dumating dito sa Beijing. At sa programa ngayong gabi, welcome muli sa "Beijing mula sa bintana ni Rhio."

Rhio: Maganda at mapagpalang gabi po sa inyong lahat, mahal naming mga tagasubaybay. Katulad ng nasabi namin noong nakaraang linggo, narito na naman ako para samahan kayo sa programang "Mga Pinoy sa Tsina."

Alam mo, Lele? Paggising ko sa umaga, lagi kong natatanaw sa di-kalayuan ang mga nagtataasang gusali na tila nagpapaligsahan sa pag-abot ng mga ulap sa kalangitan, mga naggagandahang sasakyan na tumatakbo sa malalawak na kalsada ng Beijing, at mga magagandang tanawing, noong una ay sa mga aklat at mga website sa internet ko lang nakikita at nababasa.

Lele: O, talaga? Eh, ano naman ang mga nabasa mo tungkol sa Beijing mula sa mga aklat o internet?

Rhio: Ah! Marami, siyempre, at heto ang ilan. Ang salitang Beijing, na ang ibig sabihin ay "northern capital" ay isang metropolis sa dakong hilaga ng Tsina sa ilalim ng direktang pamumuno ng pamahalaang sentral.

Lele: Aha. At ano pa ang alam mo?

Rhio: Oh, heto pa. Ito ay mahalagang sentro ng transportasyon, kultura, at komunikasyon na nagtataglay ng mga sopistikadong daang-bakal, kalsada, paliparan, at mga pamantasang humuhubog sa bagong kasanayan ng mga Tsino ng ika-21 siglo.

Ngunit sa kabila ng lahat ng progresong ito, mayroon pang isang mukhang naikukubli ang lunsod: ito ay ang Beijing na puspos ng yaman sa kulturang Asyano, tahanan ng mga taong mapagmahal sa kapayapaan at kagandahang-asal, at salamin ng nakalipas na panahon.

Sa loob ng halos dalawang-libong taon, ang lunsod ay nagsilbing sentro ng ibat-ibang dinastiyang naghari sa bansang Tsina at sumasalamin ng nakalipas na panahon.

Lele: Parang gustung-gusto mo ang kasaysayan at kultura ah. Mayroon isang lugar dito sa Beijing na hindi dapat kaligtaang bisitahin, ito ay ang "Forbidden City" o "Gugong".

Rhio: Tama ka diyan Lele, at sa susunod na Sabado o Linggo, pupunta ako doon at kukuha ng maraming larawan Sasama ka ba? Heeheee…

Lele: Aba! Oo, siyempre! Masayang mamasyal sa lugar na iyon!

Rhio: Kung ganoon, ihanda mo na ang iyong sapatos panlakad. Pero, Teka lang, mayroon pa akong ibang impormasyon tungkol sa Beijing. Gusto mo bang marinig?

Lele: Siyempre naman!

Rhio: Okay. Ang napakagandang Forbidden City na nagsilbing tahanan ng mga emperador ng Ming at Qing dynasties, ang Summer Palace, na idineklara ng UNESCO bilang World Heritage Site na nagpapakita ng komprehensibong koleksiyon ng mga imperial garden at palasyo na nagsilbi ring tirahan ng mga emperador ng Qing Dynasty tuwing tag-init, mga ibat-ibang templo, mga ibat-ibang magagandang parke at halamanan, at ang kilala sa buong mundo na Great Wall ng Tsina ay ilan pa rin sa mga lugar na nagpapakilala sa Tsina bilang bansang mayaman sa kultura at kasaysayan..

Sa Great Wall

Lele: Tama, at bukod diyan, marami pa ring magagandang lugar na kailangang bisitahin sa Beijing. Maitanong ko nga, ano ang iyong pinakagustong lugar na panturista dito sa Beijing? BTW, mayroong bagong interbyu hinggil dito si Rhio, di ba?

Rhio: Korek ka diyan, Lele. At sa pagkakataong ito, kinapanayam ko ang iba pang mga dayuhang nagtatrabaho sa CRI, isa sa kanila ay mula sa Indonesya at isa pa ay mula sa Croatia.

Lele: Sige. Pakinggan natin kung ano naman ang masasabi nila.

Lele: Ah, ang pinakagusto niyang lugar ay Great Wall. Ano ang iyong impresyon sa Great Wall, Rhio?

Rhio: Tama ka diyan, Lele. At naitanong mo kanina kung ano ang pinakagusto kong lugar na panturista dito sa Beijing hindi ba? Ang Great Wall din ang pinakapaborito ko.

Napakaganda talaga ng tanawin mula sa Great Wall. Noong ako ay pumunta doon kamakailan, talagang namangha ako sa arkitektura nito. Daang libong taon na ang nakaraan nang ito ay simulang gawin, pero, hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ito. Isa itong testamento ng magaling na arkitektura ng kulturang Tsino at Asyano. Hindi ba?

Lele: Siyempre. Korek ka diyan kapatid! Siya nga pala, kinapanayam din ni Rhio ang isang taga-Croatia. Ano naman kaya ang kanyang karanasan?

Rhio: Pakinggan natin.

Rhio: Ah, para sa kanya, ang pinakamahalagang bahagi ng Beijing ay ang mga tao. Kakaiba naman ang kanyang pananaw. Sa halip na mga tanawin, ang pinaka nagustuhan niya ay ang maganda at mainit na pakikitungo ng mga mamamayang Tsino. Iyan, sa aking palagay ay tanda ng mapanuri at matalas na isip at pakiramdam. Hindi ba?

Lele: Yeah, tayo ay nasa Beijing, ang lunsod ay umaakit sa atin, pero, ang dahilan ay iba't iba. Hindi lamang Great Wall, Forbidden City, Summer Palace, kundi, nariyan din ang magandang kaugalian na katangi-tangi sa kulturang Tsino.

Rhio: Tama ka. At bukod sa ilang heritage places, may ilan pang makabagong lugar dito sa lunsod, halimbawa, ang mga gusaling itinatag noong 2008 para sa Olympiyada o ang Bird's nest, Water Cube at iba pa.

Lele: Mabuti at nabanggit mo iyan. Isang taon na ang nakalipas, nang kinapanayam ko ang isang Pinay na naninirahan sa Amerika, ang pangalan niya ay Alu. Tatlong beses na siyang pumunta sa Tsina, pero ang lugar na nag-iwan sa kanya ng pinakamalalim na impresyon ay ang Olympic Garden. Ikaw Rhio, gusto mo bang pumunta doon?

Rhio: Aba! Syempre naman! Alam mo, halos isang buwan na ako rito sa Beijing, pero hindi pa ako nakakapunta roon Heehehehe… At siyempre, dapat samahan mo ako kapag pumunta ako roon.

Lele: Oo naman. Sasamahan kita Heehehehe… Rhio, salamat muli sa iyong interbyu at sa pagbabahagi ng iyong damdamin at karanasan.

Rhio: Walang anuman. Ikinagagalak kong ibahagi ito sa ating mga tagasubaybay! Mga giliw na tagapakinig, diyan po nagtatapos ang programang "Mga pinoy sa Tsina" ngayong gabi.

Lele: Mga gigliw na tagasubaybay, welcome po sa Beijing!

Rhio: Tuloy po kayo sa Beijing!

/end//

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>