Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang aming saloobin sa paglisan ni Ambassador Benedicto

(GMT+08:00) 2011-03-02 16:46:54       CRI

 Rhio: Magandang magandang gabi po sa lahat ng ating mga taga-subaybay. Ito po si Rhio, kasama ulit sina Joshua at Lele, at welcome po muli sa programang "Mga Pinoy sa Tsina."

Joshua: Ako naman si Joshua. Magandang gabi po mga kaibigan, at samahan po muli ninyo kami sa aming inihandang programa sa gabing ito.

Lele: Ito po si Lele. Welcome po at magandang gabi.

Rhio: Sa programa noong isang linggo, tinalakay namin ang hinggil sa paglisan ni Ambassador Francisco Benedicto bilang embahador ng Pilipinas sa Tsina, at ngayon gabi, itutuloy po namin ang talakayan hinggil dito. Joshua, Lele, huwag na nating patagalin pa at umpisahan na natin.

Joshua: Sige. Noong isang linggo ay narinig po ninyo ang tinig ni Ambassador Benedicto at ang kanyang mga saloobin tungkol sa kanyang nalalapit na pagbabalik sa pribadong buhay sa Pilipinas. Pero, hindi lang po si "Amba" ang aming kinapanayam ukol dito. Nagkaroon din po kami ng pagkakataong kunin ang opinyon ng mga taong nakakakilala at laging nakakasalamuha ni "Amba." Hindi ba Lele?

Lele: Tama, Joshua! Mga kaibigan, kinuha rin po namin ang saloobin ng ilan sa aming mga kasamahan sa Serbisyo Filipino ng CRI, gaya nila Andrea, Earnest, Frank, Jade at ang aming idolong si Kuya Ramon.

(From left to right: Ernest, Joshua, Andrea, Kuya Ramon, Amba, Jade, Lele, Frank at Rhio)

Rhio: Tama! At kung maaalala po ninyo, sa ating programa noong isang linggo, narinig ninyo mula kay Lele ang hinggil sa bangkete na idinaos sa Embahada. At ngayong gabi po mga kaibigan ay maririnig din natin ang mga sinabi ng mga dumalo sa pagtitipong iyon.

Joshua: Heto't pakinggan natin ang saloobin ni Andrea, isa sa mga madalas dumalo sa mga aktibidad ng Embahada.

(Audio play: Andrea)

(Andrea: Sa totoo lang, kahit na nalulungkot ako sa paglisan sa puwesto ni "Amba," nasa tamang panahon na rin siguro upang magbakasyon at mag-relax si Ambassador Benedicto. Marami na siyang nakontribute sa pagpapatibay ng relasyon ng Tsina at Pilipinas, tulad ng pagpo-promote ng bilateral trade, tourism at iba pa. Siguradong hindi ito makakalimutan ng mga kapwa niya Pilipino. Hangad ko ang ikabubuti ng kalusugan ng "Amba." Sana ang bagong embahador ay maging kasing bait at kasing epektibo niya, mas malusog at mas bata rin siguro. Hahaha)

Joshua: Tama ka diyan Andrea. Marami na ngang nakontribute si Ambassador Benedicto sa pagpapatatag ng relasyong Sino-Pilipino, at kahit na dumanas ito ng ilang problema tulad na lang ng Hongkong tourist bus incident, tuloy pa rin ang pagdami ng mga turistang Tsino sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagpo-promote ng turismo ng Embahada ng Pilipinas dito sa Beijing.

Rhio: Oo nga. Sa totoo lang, marami pa siyang nakontribute sa pagpapasigla ng relasyong Sino-Pilipino. Maaaring marami sa atin ang hindi nakakaalam nito, ngunit siguradong malaki ang naging epekto nito sa Pilipinas. Heto't pakinggan muli natin ang sinabi ni "Amba:"

(Audio play : Mga kontribusyon ni Francisco Benedicto)

Joshua: Ayun naman pala! Isipin ninyo, 25 years na siyang nagsisilbi sa gobyerno at 70 years old na siya. Nasa tamang panahon na nga upang siya'y magretiro at makapiling ang kanyang pamilya.

Rhio: Sang-ayon ako diyan. Talaga naman palang kahanga-hanga itong si "Amba." Talagang serbisyo publiko all the way. Dahil po diyan, tanggapin po ninyo ang isang malupit na "mabuhay po kayo!," isa po kayo sa mga idolo naming "Amba!"

Pero, alam ninyo, Joshua, Lele, nasa 60 years old palang siguro ako ay magreretire na ako. Hehe… Baka may rayuma na kasi ako noon Hehehe…

Lele: Ako naman siguro, hanggang makakaya ko, magtratrabaho pa din ako. Hehe…

Joshua: Ako rin siguro. Hehe… Since, nabanggit na rin ni Andrea ang kanyang mga ninanais sa bagong embahador ng bansa. Kayo naman, ano naman ang mga hangad ninyo sa sususnod na embahador?

Rhio: Ayan! Magandang paksa ng usapan iyan! Hehehe… Ikaw Lele, ano sa tingin mo?

Lele: Ako? Um… malusog, bata, at kasing epektibo ni Ambassador Benedicto, upang maipagpatuloy ang iba't-ibang proyektong nasimulan ni ambassador at gumawa pa ng proyektong makakatulong sa Pilipinas.

Rhio: Ako naman ay halos ganoon din. Sana ang susunod na embahador ay malusog, bata, at may malawak na karanasan sa pagpapasulong ng relasyon ng bansa tungo sa kapakinabangan at mas malawak na pag-uunawaan ng pamahalaang Pilipino at Tsina.

Joshua: Hindi rin nalalayo sa inyo ang gusto ko, at siyempre, para sa akin, ang pinaka-importante sa mga kailangang katangian ng magiging bagong embahador ay iyong pagiging masipag at may puso para sa ating mga kababayan, katulad din ni Ambassador Benedicto. Hindi ba?

Lele: Tama! At sana ay magkaroon agad ng bagong embahador ang Pilipinas sa Tsina para maipagpatuloy niya ang mga nasimulan ni Ambassador Benedicto.

Rhio: Sang-ayon ako diyan. Napakabuti talaga ni Ambassador Benedicto sa kapwa niya Pilipino, lalo na sa mga Cebuano. Akalain mo ba naman, kahit siya'y magreretiro na, ang iniisip pa rin niya ay ang kapakanan ng bayan at ng mga mahihirap.

Lele: Oo nga eh. Sana ang bawat tao ay ganyan. Sana ganyan ka Rhio, sana maisip mo naman ang kalagayan namin ni Joshua. Hahaha…

Joshua: Pa-burger ka naman. Hehe..

Rhio: Hehehe… Aba'y! Dapat si Kuya Ramon ang magpa-burger sa atin ehJ Hehehe… Siya kasi ang mayaman ehJ Hehe…

Oo nga pala, maiba tayo ng kaunti. Hindi ba ay nagpunta kayo sa Shanghai World Expo noong nagdaang taon Lele? I-kuwento mo naman sa amin ang iyong karanasan doon.

Lele: Sa aking palagay, maganda ang pagkakagawa sa Pavillion, ngunit medyo maliit at sa loob nito'y wala namang masyadong ipinakita tungkol sa Pilipinas.

Joshua: Eh, ano ang pinaka-memorable sa iyo sa Pavillion na ito?

Lele: Siyempre! Noong nagpamasahe ako, dahil sobrang sarap sa katawan at pagkatapos ay sobrang sarap ng pakiramdam.

Rhio: Suwerte mo naman, minasahe ka pa, sana nakasama tayo doon, Joshua. Hehehe… Eh, babae o lalake ba ang nagmasahe sa iyo?

Lele: Importante ba iyon? Hahaha…

Rhio: Mga kaibigan, hanggang diyan na lang po muna ang aming programa sa gabing ito. Sa susunod na linggo ay itutuloy po natin ang ating talakayan hinggil sa pagbabalik-Pinas ni Ambassador Benedicto at iparirinig din po namin sa inyo ang ilan pa naming mga panayam hinggil dito. Kaya abangan po natin lahat iyan. Hanggang sa muli nating pagkikita, maganda at mapayapang gabi po. Ito po si Rhio.

Joshua: Ito naman po si Joshua at sana ay patuloy po ninyong tangkilikin ang aming mga programa dito sa Serbisyo Pilipino ng CRI. Magkita-kita po muli tayo. Magandang gabi.

Lele: Sa ating pagwawakas, gusto po naming iparining sa inyo ang awitin ni Kuya Ramon na kanyang kinanta sa bangketeng inihanda para sa paglisan ni Ambassador Benedicto. Salamat po sa inyong walang-sawang pakikinig. Magandang gabi po.

Joshua: Pakinggan naman natin ang masasabi ni Ernest kay Kuya Ramon.

Ernest: Ang atmospera ng salu-salo ay walang bahid ng kalungkutan, Animo'y hindi para sa pag-alis ni Ambassador ang salu-salo kung hindi para sa kanyang birthday. At talaga namang napakasarap ng mga pagkain inihanda sa embahada.

Rhio: Ayan! Mukhang masayang-masaya ang lahat na dumalo sa salu-salong inihanda.

Lele: Mukha ngang maraming kinain si Earnest eh. hahaha

Joshua: Diyan po nagtatapos ang ating prgroma sa gabing ito. Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga tagapagkinig ng CRI. Sana'y walang sawa kayong sumubaybay sa Radyo Internasyonal ng Tsina.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>