Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tikman natin ang Tianjin flavor

(GMT+08:00) 2011-05-04 16:00:10       CRI

 

Joshua: Magandang gabi sa ating tagasubaybay, welcome sa programang Pinoy sa Tsina, ako si Joshua, kasama ni Lele.

Lele: Hello, ito po si Lele, magandang gabi mga kaibigan. Joshua, ano ang pag-uusapan natin sa gabing ito?

Joshua: ipagpapatuloy nitin muli ang pagsalaysay hinggil sa lunsod ng Tianjin.

Lele: come on… Tianjin nanaman? Parang naadik na tayo sa Tianjin nyan a. Haha….

Joshua: Oo Tianjin ulit. pero, pero, hindi lang ako, hindi lang ikaw pati si Rhio ay natuwa sa kanyang biyahe sa Tianjin.

Lele: Actually, nagustuhan ko din ang Tianjin, lalu-lalo na ang "folk arts",

Joshua: halata nga e, last episode walang tigil ang pagkanta mo ng awiting Tianjin.

Lele: Sa gabing ito, aalamin naman natin ang Tianjin sa paningin n gating kaibigang si Rhio. Heto't pakinggan natin.

(audio Rhio)

Lele: hehe, talaga namang napakadaming amazing things sa Tianjin, at napakayaman ng kultura nito dahil may mahaba itong kasaysayan, Joshua naalala mo pa ba ang kalye ng antigo o antique street.

Joshua: oo naman, iyan iyung kalyeng punong-puno ng mga tindero na nagbebenta ng iba't ibang matandang bagay na makaluma at kakaiba.

Lele: Tama ka diyan, at karaniwan ang mga gamit na binebenta dito ay hindi mo mahahanap sa Beijing.

Lele:Pakinggan naman natin ang maikling pagpapakilala sa antique street ng Tianjin

mga isturkturang gawa sa kahoy

mga isturkturang gawa sa bakal

dark-red enameled pottery

Joshua:hmmm... naalala ko pa mayroon maraming kawili-wiling paninda dito at karamihan ay kauna-unahan kong nakita halimbawa nalang iyung mga isturkturang gawa sa kahoy, mayroon din gawa sa bakal, mga kakaibang bato, dark-red enameled pottery at madami pang iba na talagang kawili-wili

Lele: Nabanggit mo na din ang kakaibang bato, naalala mo pa ang iyung "karne" na nakita natin doon? …

Joshua:haha, siyempre, hindi ko malilimutan ang mga iyung bato na mukhang karne

Lele: haha, nang nakita mo ang mga ito akala mo ito'y mga totoong karne,

Joshua: Onga e, akala ko talaga karne iyon na pinatigas nila, ewan ko kung anung bagay na inulagay.. haha

Lele: Heto't pakinggan natin ang iyong reaksyon nang nakita mo ito sa ating biyahe sa Tianjin

     

Lele: haha talaga namang magugutom ka pag nakita mo itong mga stone made meat!

Joshua:pero wala akong balak kumain nito. "Gou bu li bao zi" nalang ang kakainin ko!

Lele: good idea! Iyon ang pinakakilalang pagkain sa Tianjin! Nasarapan ka din ba dun?

Joshua:Oo naman, hindi ba't nagustuhan din nga ng aking mga kaibigan itong "Gou bu li bao zi" o "Gou bu li steamed stuffed-bun"

Lele: Oo nga at nakapanayam pa nga natin sila hinggil dito, heto't pakinggan ninyo ang mga opinion nila sa Gou Bu Li Baozi

Lele: Hindi ba't sarap na sarap sila! pero Joshua, siguro hindi pa alam ng ating mga tagasubaybay kung bakit ito tinawag na "Gou bu Li" ang steamed stuffed-bun sa Tianjin. Maaari mo bang ibahagi sa ating tagapakinig ang kwento nito?

Joshua: ang pangalan kasi ng gumawa ng stuffed bun na ito, dito nakuha ang salitang gou sa gou bu li, ang buli sa Chinese ay ibigsabihan hindi pagpansin, dahil sa sobrang busy niya sa paggawa ng steamed bun hindi na niya nabigyan ng pansin ang kanyang mga customer, at diyan nakuha ang pangalan goubuli

Lele: ganun naman pala, pero bukod sa "gou bu li bao zi", mayroon din iba pang masasarap na pagkain sa Tianjin, gaya ng iba't ibang klaseng candy, di ba?

Joshua:tama, at isa sa mga candy na ating natikman dito ay ang ginger candy

Handmaking ginger candy

Lele: at hindi lang natikman, nakita pa natin espesiyal na paraan ng paggawa nito, pakinggan nating ang salaysay nito mula sa ating paglalakbay sa Tianjin.

Lele: at mayroon pang isang uri ng candy kung saan ginagawa itong isang guhit diba Joshua o tinatawag nilang "candy pictures"

Joshua: Oo amazing ito! Pwede natin pakinggan muli ang ulat mula sa Tianjin

  

Lele: gustong-gusto nga ng candy pictures ng ating kabigan di ba, Joshua?

Joshua: hindi nga halata e, nagpagawa pa nga siya ng my inisyal ng pangalanan niya e, TN for Tanya.

Lele: talaga naman naging masaya ang ating pagbisita sa Tianjin dib a? Kahit isang araw lang, naging mabunga naman ito.

Joshua: Tama, pero ang pinakamaganda sa lahat para sa akin ay ang pagsakay natin ng "Tianjin eye" sa kinagagbihan.

Para sa ating mga tagasubaybay ang "Tianjin eye" po ay isang ferris wheel na itinatag sa Yongle bridge sa Ilog ng Haihe.

Lele: ito daw ang tanging ferris wheel na itinatag sa tulay sa buong daigdig.

Joshua: At 120 metro ang taas mula sa lupa, dito nakita naming ang napakagandang panoramic view ng Tianjin.

Lele: at nakita pa nga naming dito ang maliwanag na mahabang Ilog ng Haihe …

Joshua: kahit na medyo may kamahalan ang ticket para makaupo sa Tianjin Eye, talaga namang dapat puntahan.

Le: tama 60 yuan hindi nga mura pero worth it naman.

Joshua: pakinggan namam natin ang aming on-the-spot interview loob ng "Tianjin eye"!

Le: talaga namang nagkakaisa ang saloobin n gaming mga kaibigan hinggil sa Tianjin Eye, "maganda ang Tianjin"

Lele: Joshua, gusto mo bang bisitahin muli ang Tianjin?

Joshua: kung may panahon maaaring bumisita ulit ako. Ikaw Lele?

Lele: sabihan mo ko, para sabay ulit tayo pumunta!

Joshua: Cge, babalitaan kita, Oras nanaman po upang magpaalam na kami, mga kaibigan, ito po si Joshua, kasama ni Lele. Hanggang sa muli.

Lele: ito po si Lele. Hanggang sa muli

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>