|
||||||||
|
||
Ginanap sa Beijing ang 13th China Franchise Expo 2011 na nagsimula noong ika-7 na Mayo hanggang ika-9 Mayo na inorganisa ng China Chain Store & Franchise Association. Ang franchise expo na ginanap kamakailan ay isa sa mga prominenteng exhibisyon para sa mga franchise business sa merkado ng Tsina. Ito ang ika-13 Franchise Expo, na nangunguhulugan lamang na patuloy ang pagtagumpay nito bawat taon.
Ang expo ay naglalayon na bigyan ng pagkakataon ang mga lokal at internasyonal na mga negosyo, na tinatawag na franchisers, maliit man o malaki na mag-engganyo ng mga bahay kalakal mula sa Beijing upang maging franchisee o kaya'y main franchisee.
Ilan sa mga lumahok sa nasabing expo ay nasa industriya ng pagkain tulad ng food retail, kapehan, restawran, fast foods, mayroon din namang sa industriya ng serbisyo tulad nalang ng salon, labahan at iba pang industriya.
Ilan sa mga negosyong mula sa ibang bansa ay nagmula sa Malaysia, Korea at mayroon din mula sa Pilipinas. Isa sa mga lumahok na kapehan na mula sa Pilipinas ay ang Figaro Coffee Company. Ayon kay Romy Ang, Franchise Business Development Consultant, malaki ang Tsina at malaki ang merkado dito. Maaaring tsaa pa din ang pangunahing inumin ng mga Tsino, ngunit maraming kabataan ngayon ang nahihiligan na ding uminom ng kape, kaya't sa tingin niya may magandang hinaharap ang industriya ng coffee shop sa bansa.
G. Mike T. Barret at mga mamamahayag ng CRI
Ayon naman kay Mike T. Barret, Franchise Manager ng Figaro Coffee Company, ang kanilang layunin sa pagsali sa expo na ito ay upang makaakit hindi lamang ng mga Tsino pati ng mga Pinoy na nais magbukas ng Figaro sa Beijing. Ang pagsali sa Beijing Franchise Expo ay panimula pa lamang. May posibilidad na lumahok din sila sa Guangzhou international Expo at sa Shanghao International Expo upang mapabilis ang pag-unlad ng negosyo sa Tsina.
Aniya, lahat ng coffee beans na gagamitin ay magmumula sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, may isang Figaro coffee shop pa lamang sa Tsina, ito ay nasa Wuhan. Dahil sa magandang kinalabasan nito, naghahanda na silang magbukas ng ikalawang shop sa Wuhan.
Lumahok din sa nasabing exhibisyon ang Philippine Franchise Association. Ayon kay Siu Ping Par, Director ng Philippine Franchise Association sa NCR na kinatawan din ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang layunin nila sa paglahok sa naturang exhibisyon ay upang himukin naman hindi lang ang mga Tsinong negosyante pati mga internasyonal na negosyante na palawakin ang kanilang negosyo sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsali sa Franchise Asia 2011 na gaganapin sa Pilipinas. Aniya, nakalahok na noon sa iba't ibang exhibisyon sa ibang bansa ang DFA tulad ng Singapore, Malaysia, India at Amerika at naging maganda naman ang feedbacks ng mga ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |