|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng pagkanta, pagsayaw, at pagsalu-salo sa mga pagkaing inihanda ng Embahada ng Pilipinas, ipinagdiwang kahapon ng Filipino Community sa Beijing ang ika-113 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.
Ayon kay Chargé d' Affaires Alex Chua, dahil sa nasabing dalawang makabuluhang pangyayari, binigyan ng temang, "Kasiyahan ng Luneta" ang selebrasyon sa taong ito.
Sinabi pa ni Chua, na bukod sa kanta, sayaw at pagkain, mayroon ding Pinoy games, raffle draws at announcement ng mga nagwagi sa aktibidad na "Bring Home a Pengyou," na naging posible sa pagtataguyod ng Embahada ng Pilipinas at Cebu Pacific.
Sa ngalan ng Pamahalaang Pilipino, binasa rin nina Chargé d' Affaires Chua at Consul General Issa Almojuela ang mga mensaheng pambati nina Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino at Foreign Secretary Albert Del Rosario ayon sa pagkakasunod.
Si Charge' d' Affaires Alex G. Chua, sa kanyang talumpati
Mga miyembro ng Filipino Community habang nagsasayaw, suot ang mga kulay ng pambansang watawat
Ang mananayaw mula sa Davao
Isang Pilipinang umaawit ng "Limang Dipang Tao." Nasa likod ay mga empleyado ng embahada. (May nakasakay na isang "Angry Bird" sa jeepney, haha)
Ang Filipino Community, sa kanilang maligayang pagtitipun-tipon sa Araw ng Kalayaan.
Nagtatawanan (Sa gitna ay si Charge' d' Affaires Alex G. Chua, sa kanyang kanan ay ang kanyang kabiyak, at iyong nakaupo na nakasuot ng grey skirt ay si Consul General Issa Almojuela. Nakapaligid sa kanila ay mga miyembro ng Filipino Community sa BJ.)
Naghandog ng awit - Isang batang Pilipina habang inihahandog ang isang awitin sa saliw ng gitara para sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan
>>Speech of President Aquino at the anniversary of the proclamation of Philippine Independence
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |