Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

FilTeach : Bakit maraming gurong Pinoy sa Guangzhou?

(GMT+08:00) 2013-10-24 17:15:50       CRI

Ang pagtuturo ay sinasabing noblest of all professions. Ito'y di lang isang propesyon ngunit isang debosyon. Pasyensya at pagkalinga ang ilan sa mga katangian na kailangan sa trabahong ito. At ang mga katangiang ito ang siya ring mga dahilan kung bakit matagumpay ang mga Pilipino sa kanilang pagtuturo sa Guangzhou.

 

Kuha sa Liyang Crazy English Winter Camp Middle School Level kung saan nagturo si Lulu

Si Minerva Lourdes Baguisi ay 9 na taong nang nagtuturo sa Tsina. Sa kasalukuyan siya ay faculty sa Tianhe College ng Guangdong Polytechnic Normal University. Ingles ang itinuturo nya sa pamantasang ito.

 

Jerald Abiva kasama ang kanyang mga estudyante sa South China Normal University

Samantala si Jerald Abiva naman ay 6 na taon na sa Guangzhou at siya ay Language Arts Teacher sa South China Normal University.

Pareho silang mga officers ng FilTeach o ang Samahan ng mga Guro sa Guangzhou. 2011 nabuo ang grupo at ang grupong ito ay may nakatalang halos 60 miyembro.

Ayon sa dalawa malaki ang tiwala ng mga taga Guangzhou sa mga Pinoy na guro, lalo na sa pagtuturo ng wikang Ingles. Ani Jerald sa kanyang mga job interviews, di sya takot makipagsabayan sa mga "native English speakers." Ito ayon sa kanya ay susi para sa mas magandang employment package.

 

Lulu at kanyang mga Freshmen na estudyante  sa Tianhe College of Guangdong Polytechnic Normal University

Passionate o mula sa puso kung magtrabaho ang ginamit na pang-uri ni Lulu para ilarawan ang mga gurong Pinoy at kung bakit sila angat sa iba. Ani Lulu ang mga itinuturo niya ay higit pa sa asignatura. Ibinabahagi niya pati mga bagay na maaring makatulong sa mga mag-aaral kapag hinarap na nila ang mga pagsubok ng buhay. Kabilang dito ang values formation na batay sa kanyang paniniwala bilang isang debotong Katoliko.

 

Si Teacher Lulu kasama ang mga mag-aaral at mga katrabahong Tsino sa Liyang Crazy English Summer Camp Primary Level

Si Lulu ang Pangulo ng FilTeach at si Jerald naman ang Bise Presidente. At isa sa kanilang proyekto ang pagbibigay ng mga seminar o talks para iangat ang kakayahan at kaalaman ng iba pang mga guro sa Timog Tsina. Hindi lang sa Guangdong ang naabot ng grupo, maging sa Macau at Hong Kong ay marami na rin silang mga gurong natulungan.

Sa panayam ng Serbisyo Filipino inalam ni Machelle Ramos ang takbo ng kanilang buhay-buhay bilang guro sa lunsod ng Guangzhou.

Ang buong interbyu kay Lulu at Jerald ay mapapakinggan sa tulong ng audio plug-in sa gawing itaas ng pahinang ito. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Ang player ay dapat lumabas sa ilalim ng pamagat ng episode na ito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>