Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

RONALD YULO: Team work susi sa tagumpay ng 5-Star Hotel

(GMT+08:00) 2013-10-25 17:10:05       CRI

Higit isang dekada ang karanasan sa hotel industry ni Ronald Yulo, Food and Beverage Director ng Marco Polo Parkside Beijing.

Gawin mo kahit di motrabaho,prinsipyo ni Ronald Yulo, F&B Director ng Marco Polo ParksideBeijing

Sa Davao nagsimula ang kanyang career habang patapos ang Dekada 90. Ang una niyang trabaho ay Coffee Shop Manager at siya ang naatasan magpatakbo ng café ng Marco Polo Davao.

Lumipas ang mga taon at dahan-dahan niyang inakyat ang career ladder sa sikat na 5-star hotel sa lunsod ng Davao. Dito nya lubos na natutunan ang ins and out kung baga ng hotel management. At huli ang huli nyang posisyong hinawakan ay bilang Assitant Food and Beverage Manager sa Marco Polo.

2013 nagbukas ang oportunidad para kay Ron. Inalok siya ng datin niyang General Manager na subukin mag-abroad at permanenteng hawakan ang isang management position.

Cafe Marco

Dito sa Beijing, binuksan niya ang bagong yugto sa kanyang kerera at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtrabaho siya sa Tsina.

Gamit ang ekspirensya mula sa Davao, kasalukuyan niyang ipinatutupad ang Pinoy- style Management sa kanyang pagpapalakad para gumanda ang operasyon ng Café Marco.

May mga gimik din sya para maakit ang mas maraming mga kliyente. Kasama rito ang Crab Promotion kung saan tampok ang tatlong uri ng alimango at alimasag. Iba't iba ang lutuing ihahain sa buffet na tatagal mula October 21 hanggang November 30, 2013.

Alimango na hain sa Cafe Marco

Hairy Crab

Hai Hong Crab

Orchard Crab

Good news, may 30% diskwento para sa mga Pinoy! Dalhin lang ang pasaporte at ipakita sa Café Marco para makuha ang mas mababang halaga sa lunch at dinner buffet.

Ibinahagi ni Ron ang kahalagahan ng teamwork sa isang restoran. Mahalaga ang pagkakaroon ng pagmamalasakit sa mga katrabaho at pagsalo kung sakaling nangangailangan ito ng tulong. Bukod dito, ipinakikita rin ni Ron ang konsepto ng "service with a smile."

Ang buong interbyu kay Ronald Yulo ay mapapakinggan sa tulong ng audio plug-in sa gawing itaas ng pahinang ito. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Ang player ay dapat lumabas sa ilalim ng pamagat ng episode na ito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>