|
||||||||
|
||
131030mpst.m4a
|
Sa kauna-unahang pagkakataon ay binuksan ni Kagalanggalang Ambassador Erlinda F. Basilio ang kanyang tahanan para sa ilang piling panauhin. Isang salu-salo ang kanyang ihinanda para sa mga guro at mag-aaral ng Philippine Studies sa Peking University. Kasama rin sa mga imbitado ang mga nagtapos sa kilalang pamantasan na kasalukuyang nagtratrabaho sa China Radio International Filipino Service.
Pangunahing hangarin ng pagtitipon ang iparating ang pagkilala ng Pasuguan ng Pilipinas sa mga ambag ng Peking University at CRI sa relasyong Sino-Filipino.
Ani Amb. Basilio ang kanyang tahanan ay tahanan din ng mga mamamayang Pilipino. At inanyayahan niya ang mga Tsino upang palalimin ang pagkakaibigan at ipaabot ang taos pusong hangarin na palaguin ang ugnayan ng dalawang bansa.
Sa Sabado ika 2 ng Nobyembre, lalahok ang Pasuguan ng Pilipinas sa taunang Charity Fair ng Ministry ng Ugnayang Panlabas ng Tsina. Inaanyayahan ni Amb. Basilio ang lahat ng mga Pilipino na suportahan ang baratilyong pangkawanggawa sa gaganapin sa Chaoyang Park, Beijing simula 10:00 ng umaga. Ito na rin ang pagkakataon para makabili ang mga Pinoy ng mga produkto mula sa Pilipinas na mahirap mahanap dito sa Beijing.
Ang buong interbyu kay Amb. Basilio ay mapapakinggan sa tulong ng audio plug-in sa gawing itaas ng pahinang ito. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player.Ang player ay dapat lumabas sa ilalim ng pamagat ng episode na ito.
Aamb.Basilio habang nagbibigay ng panalubong na salita sa kanyang mga panauhin
Mga mag-aaral ng Peking University
Mga piling panauhin ni Amb.Basilio sa salu-salong ginanap sa kanyang tahanan
Mga Taga-CRI Serbisyo Filipino habang hinahandog ang diksyunaryong Tsino-Flipino kay Amb.Basilio
Si Amb.Erlinda Basilio kasama ang mga taga CRI Serbisyo Filipino, mga guro at mag-aaral ng Peking University
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |