|
||||||||
|
||
20131106MPST.m4a
|
Dating Pirmihang Kinatawan ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) si Ambassador Wilfrido Villacorta. Sa kasaysayan ng ASEAN, di maikakaila ang naging ambag nito habang nanunungkulan bilang Deputy Secretary General.
Dumalaw kamakailan sa Tsina si Ambassador Villacorta para magsalita sa mga pamantasan at humarap sa mga miyembro ng ilang think tanks sa Beijing at Shanghai para talakayin ang hinggil sa kinabukasan ng relasyong Sino-Pilipino.
Sa panayam ni Machelle Ramos sinabi ng diplomata na optimistiko siya na magiging maunlad ang relasyon dahil sa tagal ng pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas. Sa kanyang pakikipag-usap sa mga taga Peking University iminungkahi niya na unawain ang perspektibo ng Pilipinas na hindi maaring isipin lagi na ang Pilipinas ay laging kinakasangkapan lang ng Estados Unidos upang limitahin ang pag-unlad o pag-abante ng kapangyarihan at kakayahan ng Tsina bilang isang bumabangong poder sa rehiyon. Ibinahagi niya na malayo sa isipan ng mga Pilipino ang paglahok sa digmaan at ito'y di makakabuti kahit sino man.
Si Ambassador Wifrido Villacorta kasama si Machelle Ramos
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |