Kamakailan, ipinalabas sa website ng New York Times ang ulat hinggil sa isang online poll na ginawa ng isang France-based market research company na tinatawag na Ipsos. Sa online poll na ito, tinanong ang mahigit 16 na libong adults mula sa 20 bansa kung sang-ayon sila o hindi sa sinasabi ng iba na "Tinatasa ko ang aking tagumpay sa pamamagitan ng mga bagay na pag-aari ko." Ayon sa resulta, "oo" ang sagot ng 71% ng Chinese respondents. Ang bilang na ito ay nangunguna sa lahat ng 20 bansa at mas mataas kaysa karaniwang bilang na 34%. Kaugnay nito, sinabi ng ulat ng New York Times na ito ay nagpapakita ng pagiging materialistic ng mga Tsino.
Talaga bang materialistic ang mga Tsino? Anu-ano ang masasabi nina Kuya Ramon at Lakay Rhio hinggil dito? Sa kani-kanilang palagay, anu-ano ang mga bagay na batayan ng tagumpay? Pag-usapan Natin!