Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Filipino Congregation ng Beijing International Christian Fellowship (BICF)

(GMT+08:00) 2014-02-20 15:18:01       CRI


 

 

Si Pastor Ricky at ang kanyang asawa na si Sis. Jean sa IAB-Lido dating pinagdadausan ng FilCon Worship Service

Halina't sama sama sa pag-puri at pag-samba sa ating buhay na Diyos!

Ito ang pagbati na makikita sa website ng Filipino Congregation ng Beijing International Christian Fellowship o BICF.

Ang Filipino Congregation ay isa sa 19 na kongregasyon sa BICF at binubuo ito ng mga Pilipino na kasalukuyang nasa Beijing.

Sinu-sino ang mga miyembro ng FilCon? Mga nagtratrabaho, nag-aaral, pamilya ng expat ang kasapi rito. Pero sa kabila ng kanilang magkakaibang background sa Pilipinas, pinagbubuklod ang mga miyembrong ito ng kanilang mithiing maglingkod at manampalataya kahit malayo sa Pilipinas.

Si Pastor Ricky Yambing ang religious leader ng FilCon. Taong 1999 siya dumating sa Beijing bilang isang missionary. Aktibong aktibo si Pastor Ricky sa maraming humanitarian actitivities na mga home for the aged at orphanages sa iba't ibang bahagi ng Tsina.

Sa Beijing, tuwing linggo masayang nag-iipon ipon ang mga Pinoy sa 21st Century Hotel sa Liangmaqiao para dumalo sa Sunday service na isinasagawa ni Pastor Ricky.

2005 naitatag ang FilCon at ang Filipino Service ay isa sa 11 wikang ginagamit sa BICF para sa mga Sunday Services nito. Pinakamalaking bilang ng mga Pinoy na dumadalo ay 150 pero dahil sa paghihigpit sa visa bumaba ang attendees sa 75.

Likas na masayahin ang mga Pinoy kaya naman ito rin ang katangiang naglalarawan sa Sunday service ng FilCon. Pero higit sa nakaeenganyong paraan ng pagsamba, ayon kay Pastor Ricky, mahalaga sa ganitong mga gawain ang magkaroon ng katuturan ang buong religious service para sa mga dumadalo nito.

60% sa mga miyembro ng FilCon ay mga domestic helpers . At ang kanilang mga problema ay madalas na inilalapit sa FilCon. Bukod sa mga DH plano ni Pastor Ricky na mas humikayat pa ng mga Kristyano sa sumapi sa kongregasyon. Gusto nyang mahimok ang OFW, partikular ang mga entertainers sa Beijing na wag pabayaan ang kanilang spiritual life. Kaya may mga pagbabago siyang ipinatupad sa lingguhang service sa FilCon.

Mahirap maging OFW. Marami ang mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga Pilipino na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para magtrabaho. Sa tulong ng mga samahan tulad ng FilCon ng BICF gumagaan at naiibsan ang samu't saring mga problema na kasama sa pagiging manggagawang migrante. At sa paggabay ng isang pastor tulad ni Ricky Yambing, naaakay tungo sa tuwid na landas ang ating mga kababayan.

Alamin kung paano tinutulungan ng Filipino Congregation ng BICF ang mga miyembro nito sa panayam ni Mac Ramos kay Pastor Ricky Yambing sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Gumamit ng web browser na may pinakabagong Flash Player at siguruhing pinapayagang tumakbo ang nasabing plug-in para maayos na mapakinggan ang programa.  

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>