Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yakap para sa pagkakaibigan

(GMT+08:00) 2014-05-16 15:38:44       CRI

Kamakailan sa Beijing, nagdaos ang ilang estudyenteng Hapones na nag-aaral sa Tsina, ng isang aktibidad na kung saan hinihilingan nila ang mga dumaraan na yakapin sila. Anila, ang aktibidad na ito ay naglalayong itaguyod ang ideyang "dapat ihiwalay sa pulitika ang people-to-people exchanges," at ipakita ang magandang relasyon ng mga mamamayan ng Hapon at Tsina sa gitna ng umiiral na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa na dulot ng mga isyu ng pinagtatalunang teritoryo at ng kasaysayan.

Sa aktibidad, nakasuot ang mga estudyenteng Hapones ng espesyal na T-shirts na may tatak na Chinese characters ng "pagkakaibigan" at ng mga pambansang watawat ng Tsina at Hapon, at may dala rin silang mga placard kung saan nakasulat ang "pasulungin ang pagkakaibigang Sino-Hapones sa pamamagitan ng yakap." Ayon sa naturang mga estudyanteng Hapones, matagumpay ang kanilang aktibidad na ito dahil pagkaraang hilingin nila sa mga dumaraang Tsino na yakapin sila, karamihan sa mga dumaraan ay naging mapagbigay at yumakap sa kanila at kaunti lang ang tumanggi. At mayroon ding mga dumaraan na boluntaryong lumapit sa kanila at yumakap.

Anu-ano ang sinabi nina Kuya Ramon at Lakay Rhio hinggil sa aktibidad na ito ng mga estudyanteng Hapones at reaksyon ng mga mamamayang Tsino? Anu-ano naman, sa palagay nila, ang ibinigay na inspirasyon ng pangyayaring ito sa mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas? Pag-usapan Natin!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>