Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Presyo ng bawang at price manipulation

(GMT+08:00) 2014-07-11 17:46:51       CRI

PRESYO NG BAWANG, MALAKING ISYU. Isang hiwaga ang nais mabunyag ni Senator Cynthia A. Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food sa pagdinig na ginawa sa Senado kanina. Sinisisi ang mga mangangalakal na nagmamanipula ng presyo. (Senate of the Philippines/PRIB Photos)

Biglaan at malaking tumaas kamakailan ang presyo ng bawang sa pamilihan ng Pilipinas. Pinag-usapan minsan sa isang pagdinig sa Senado ang mga dahilan kung bakit ganito. Pinamunuan ni Senador Cynthia Villar ng Senate Committee on Agriculture and Food ang public hearing. Dumalo ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry na nagsabing mga walang budhing mangangalakal ang nagmanipula ng presyo ng bawang mula sa P 17 bawat kilo hanggang sa makarating sa P 300 bawat kilo.

Hindi nagaganap lamang sa Pilipinas ang pangyayaring ito, mayroon ding naganap sa Tsina na biglaan at malaking pagtaas ng presyo ng ilang produktong agrikultural noong taong 2009. Simula noong ikalawang hati ng taong 2009, tumaas nang mataas na mataas ang ilang produktong agrikultural sa Tsina, na gaya ng bawang, patatas, luya, mung bean, at iba pa. Gawing halimbawa ang bawang. Bago ang Hunyo noong 2009, wala pang 0.5 yuan ang isang kilo ng bawang. Pero, noong katapusan ng taong iyon, umabot sa halos 10 yuan ang presyong ito na lumaki ng 20 ulit. At sa ilang lugar, ang pinakamataas na presyo ng bawang ay umabot minsan sa mahigit sa 20 yuan bawat kilo, na mas mataas kaysa presyo ng karne ng baboy.

Ayon sa isang imbestigasyong ginawa pagkatapos nito, noong simula pa, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng bawang ay pagliit ng ani na dulot ng masamang panahon. Pero, noong sumunod, ang manipulation ng mga negosyante at speculator ay pangunahing dahilan na nagpasulong sa ibayo pang pagtaas ng presyo ng bawang. Ayon pa rin sa imbestigasyon, may mga pagkukulang ang pamahalaan sa kasong iyon ng abnormal na pagtaas ng presyo ng bawang. Una, hindi binigyan ng pamahalaan ng kahalagahan ang presyo ng bawang, kaya hindi ito kabilang sa mga target ng superbisyon ng price law. Ikalawa, mabagal ang reaksyon ng pamahalaan sa abnormal na pagtaas ng presyo ng bawang. At ikatlo, hindi mahigpit ang parusang ipinapataw sa price manipulators.

Anu-ano ang mga epekto ng price manipulation sa pamumuhay ng mga karaniwang mamimili? Anu-ano ang mga hakbanging dapat isagawa ng pamahalaan para mapigilan ang price manipulation? At paanong balansehin ang interes ng mga mamimili at pakinabang ng mga negosyante? Pag-usapan Natin!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>