Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe sa Zhuhai

(GMT+08:00) 2015-05-28 18:55:36       CRI


Mga kababayan, sa episode na ito ng Sa Pali-paligd ng Tsina (SPT), bibiyahe tayo sa Zhuhai. Ito ay isang maliit na lunsod sa Pearl River Delta. Ang kalupaan ng Zhuhai at Macao Special Administrative Region ay magkarugtong kaya, ang Zhuhai ay ang gate kung saan pumapasok ang mga Mainlanders sa MacaoSAR.

Ang Zhuhai ay isa ring premier tourist destination na may dalampasigan sa dakong timog ng Tsina. Ito ay tinatawag na "Chinese Riviera."

Sa Zhuhai, mayroon ding isang magandang lugar na panturista, ang bagong Yuan Ming Yuan o Winter Palace. Ang Winter Palace ay isang magandang royal garden ng Emperador ng Dinastiyang Qing ng Tsina. Pero, noong 1860, ito ay sinunog ng magkasanib na tropa ng Britanya at Pransya. Ang Bagong Winter Palace sa Zhuhai ay itinatag noong 1997, alinsunod sa original Winter Palace.

Chimelong International Ocean Resort ay matatagpuan sa Hengqin district sa dakong timog Zhuhai. Taglay ng Chimelong Ocean Kingdom ang isa sa pinakamalaking aquarium sa buong mundo. Dito, makikita ang mga whale shark, beluga whales, polar bear, at iba pang cute na cute na hayop. Ito rin ang winner ng 2014 Award for Outstanding Achievement (Theme Park).

Bukod diyan, may mga outdoor event din na gaya ng float parade, circus at incredible fireworks finale sa itaas Hengqin Ocean.

Ang Zhuhai Fisher girl statue naman ang symbol ng lunsod ng Zhuhai, 8.7 metro ang taas nito at 10 tonelada ang timbang.

Umaabot sa 147 ang mga pulo sa paligid ng Zhuhai. Sa mga ito, ang Yeli Island ay isang pulo na pinakamalapit sa lunsod ng Zhuhai. Ang "Yeli" sa wikang Tsino ay nangangahulugang "Wild fox." Ayon sa alamat, isang leon at isang fox ang naglaban. Sa banding huli, natalo at namatay ang leon at naging isang bundok. Sa kasamaang-palad, namatay din ang fox at naging isang pulo. Kung makikita ang Yeli Island mula sa malayong lugar, ang outline nito ay parang fox, at ang bundok na kung tawagin ay "Lion Hill" sa tapat nito ay parang lion.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>