Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Spark Florin at ang Spark Project

(GMT+08:00) 2016-05-05 17:53:54       CRI


 

 

 

Nakabase sa Ganzhou ng lalawigang Jiangxi si Spark Florin. Isa siyang singer at kung susumahin 13 taon na siyang nagtatrabaho sa Tsina. Bagamat apat na oras ang kanyang byahe sa bullet train patungong Xiamen, di niya alintana ang pagod maging ang gastos dahil isang makabuluhang proyekto naman ang pakay niya. Sa Xiamen kanyang nirerekord ang mga awitin para sa Spark Project kasama ang mga Filipino volunteer musicians at singers.

Ang Spark Project ay isang inisyatibo na layunin ay mapakagbigay ng inspirasyon sa mga tao sa pamamagitan ng mga kantang may positibo at nagbibigay-siglang mensahe.

Sa pamamagitan ng Spark Project, hangad ng kompositor na mabuhayan ng kalooban ang mga tao at panaigin ang kabutihan laban sa laganap na kasamaan sa buong mundo.

Ang awiting "Pagpalain Mo Ang Aming Bayan" ay kinanta ng mga PInoy volunteer musicians at singers sa Xiamen na nakikiisa sa adhikain ni Spark Florin. Ani Florin ito ay isang prayer-in-a-song na akma sa panahon ng eleksyon. Ang kanta ay isang panalangin lalo pa't kaliwa't kanan ang pamumulitika at paninira ng mga kandidato sa Pilipinas.

Paliwanag ni Florin maraming paraan para maipakita ang pagkamakabayan. Aniya hindi lamang sa pamamagitan ng pag-aalay ng buhay para sa bayan, kundi isang paraan din ang pagbibigay ng oras at panahon para idulog ang Pilipinas sa pamamagitan ng taimtim na panalangin.

Alamin ang mas maraming detalye hinggil sa Spark Project pakinggan ang buong panayam kay Spark Florin sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Siguruhing gumagana ang mga plug-in ng browser para mapakinggan ang interview at mapanood ang music video ng "Pagpalain Mo Ang Aming Bayan."

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>