|
||||||||
|
||
20170719 Don Seno
|
Kasalukuyang pangulo ng Filipino Kamera Club Guangzhou si Don Seno. Hangad ng grupo na ipromote ang pagkamalikhain ng mga Pinoy sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawan. Layunin din ng FilKam na magbigay ng suporta at pagkakataon para sa pagpapalitan sa pagitan ng mga Filipino na mahilig sa photography.
Si Don Seno
Sa pamamagitan ng mga photowalks at workshops nagkakaroon ang mga miyembro ng oportunidad para mas gumaling sa pagpitik at matuto ng iba't ibang mga teknik sa sining ng potogprapiya.
"The Elders" larawan ni Don Seno na kinunan sa ancient village ng Qingyuan sa lalawigang Guangdong ng Tsina. Dito naninirahan ang Yao nationality.
Sa tulong ng mga photowalks nadidiskubre rin ng FilKam ang maraming magagandang mga bagay tungkol sa kanilang ikalawang tahanan – ang lunsod ng Guangzhou. Pero may mga pagkakataon ding lumalayo ang grupo at nararating ang iba pang picture-perfect na lugar gaya halimbawa ng Qingyuan Village.
Ilang beses nang naitampok sa That's Magazine ang mga larawan ni Don Seno. Sa June issue nito, nailathala ang mga larawan ng FilKam President na nagtatampok sa mga Yao Elders na nakatira sa Qingyuan Village.
Sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina ikinuwento ni Don Seno kung bakit napili ng FilKam ang Qingyuan Village para sa recent na photowalk ng grupo at ano ang mga picture perfect elements ng lugar na ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |