Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Peter Paul Sales, tanging Pinoy reporter sa Two Sessions

(GMT+08:00) 2018-03-29 17:27:27       CRI

Sa Two Sessions na ginaganap sa Beijing mula Marso 5 hanggang Marso 20, isang Pilipino ang nabigyan ng pagkakataon na makita ang mga kaganapan hinggil sa Taunang Sesyon ng National People's Congress at Chinese People's Political Consultative Conference para sa taong 2018.

Siya ay si Peter Paul Sales, mamamahayag ng DMZE. Ang DZME ay istasyong mapapakinggan sa talapihitang 1530khz ng AM radio sa kalakhang Maynila.

Si Peter Paul Sales (kanan), kasama si Machelle Ramos (kaliwa), sa studio ng CRI headquarter sa Beijing

Sa panayam ng CRI Filipino Service, Marso 14, 2018 sa himpilan nito sa Beijing, ipanahayag niya ang kagalakang marating ang Tsina sa kauna-unahang pagkakataon. At bilang nag-iisang Filipino reporter na saksi sa mahalagang legislative process ng Tsina, ani Sales lipos siya ng kasiyahan. Di niya akalain ito pala'y pinahahalagahan ng komunidad ng daigdig.

Sa loob na dalawang linggong pamamalagi sa Beijing, kwento ni Sales, na mas kilala bilang Tito Potato sa radyo, marami siyang nabasag na maling akala hinggil sa Tsina. Sinabi niyang, "Marami akong natutunan dito. Lahat sila mahal ang inang bayan. Yung sidhi ng pagmamahal at kagustuhang protektahan ang bansa ipinakikita ng mga reporter. Ito ay isang bagay na magandang matutunan."

Ang iba pang impressions ni Peter Paul Sales ay kaniyang ibinahagi sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>