Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Atty. Rudolph Steve Jularbal, DZRH Station Manager

(GMT+08:00) 2018-04-26 16:28:34       CRI

Ang Media Leaders Summit for Asia ay taunang pulong ay naghahangad na ilatag ang plataporma ng diyalogo sa pagitan ng mga media organizations sa Asya at pasulungin ang pagtutulungan. Magkakasamang itinataguyod ng Boao Forum for Asia, China Media Group at China Public Diplomacy Association ang summit na idinaos mula Abil 8 hanggang Abril 11 ngayong taon.

Si Ginoong Rudolph Steve Jularbal, Vice President for Legal and Regulatory Compliance Group ng Manila Broadcasting Company at DZRH Station Manager

Isa sa mga media executives na inanyayahan bilang kinatawan ng Pilipinas ay si Ginoong Rudolph Steve Jularbal, Vice President for Legal and Regulatory Compliance Group ng Manila Broadcasting Company at DZRH Station Manager.

Matapos dumalo sa opening ceremony ng Media Leaders Summit for Asia, sinabi ni Atty. Jularbal na ang mga pagbabago sa teknolohiya ay napapanahong pagtuunan ng pansin sa forum. Paliwanag niya, "Yung mga developments sa technology ay binuwag niya yung mga physical barriers ng bawat bansa. Kailangan nang mag-reorient ang mga iba't-ibang bansa towards cooperation kasi yung hindi pwede noon na may presence sa ibang bansa kunwari Tsina, ay wala na yun dahil sa interconnectivity sa mga new technology. Cooperation among Asian countries around the world is essential in this changing environment."

VP Rudolph Steve Jularbal, kinapanayam ng mamamahayag ng CRI

Ang iba pang mga pananaw ni Atty. Jularbal ay mapapakinggan sa interview ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>