|
||||||||
|
||
Agosto 2018, sumali si Deng Chengpu o Kevin Deng sa Ni Hao Philippines. Ang Ni Hao Philippines ay regular na aktibidad ng embahada para sa mga Tsino at dayuhang estudyante na nais magkaroon ng kaalaman hinggil sa Pilipinas. Ang grupo na kinabilangan ni Kevin ay binuo ng 64 na kabataan. Kabilang sila Little Chinese Digital Culture Ambassador summer camp ng Embassy Business and Culture Net. Isang calligraphy na gawa mismo ni Kevin ang kanyang iniregalo sa Pasuguan ng Pilipinas.
Si Ambassador Jose Santiago Sta. Romana (kanan), kasama si Kevin Deng
Inihandog ni Kevin Deng ang likhang calligraphy kay Ambassador Jose Santiago Sta. Romana
Halos isang taon ang nakalipas, nakagawa si Kevin ng isang libro ng piling mga calligraphy. Nitong Hulyo 8,2019 sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, nagkaroon si Kevin at kaniyang mga magulang na sina Deng Xueliang at Zhang Qi ng pagkakataong nakipag-usap kay Ambassador Jose Santiago Sta. Romana. Sa kanilang pagtatagpo, inihandog ni Kevin ang aklat at ang sariling likhang calligraphy kay Amb. Sta. Romana. Tumayong saksi ni Tito Umali, Tourism Attache, na siya ring naging tulay upang maganap ang nasabing pagkikita.
Si Zhang Qi (kaliwa), ina ni Kevin, at si Deng Xueliang (kanan), ama ni Kevin, habang inihahandog ang aklat ng mga calligraphy ni Kevin kay Ambassador Jose Santiago Sta. Romana
Si Tito Umali, Tourism Attache (ika-2 sa kanan), kasama si Mac Ramos (kanan), at ang pamilya ni Kevin
Pakinggan sa programang Mga Pinoy sa Tsina ang kanilang mga saloobin hinggil sa naganap na simple ngunit napakamakabuluhang pagpapalitang kultural sa pagitan ng mga Tsino at Pilipino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |