Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, maayos na inaasikaso ang mga matatanda

(GMT+08:00) 2009-07-30 14:08:25       CRI

Ang isyu ng pag-asikaso sa mga matatanda ay realistikong isyu na tiyak na kakaharapin ng bawat tao at sa Tsina, ito ay isang mahirap na isyung panlipunan, dahil pumapasok ang Tsina sa lipunang may sobrang matatanda. Datapuwa't sa rehiyong awtonomo ng Ningxia ng Tsina, masaya ang pamumuhay ng mga matatanda, dahil nakakapagtamasa sila ng mabuting pag-asikaso sa loob ng kanilang tahanan. 

Ang Distritong Xixia ng Yinchuan, punong lunsod ng Ningxia, ay kinaroroonan ng mabigat na industriya. Nakatira dito ang mahigit 22000 matatandang mahigit sa 60 taong gulang. Ang 66 na taong gulang na si Wang Daxiang ay isa sa kanila. Sinabi niya na

"Noon, nakatira dito akong nag-isa. Tuwing araw, nanonood ako ng TV, bumabasa ng pahayagan at nagpapasyal. Datapuwa't wala akong kausap, dahil hindi akong bumibisita sa kapitbahay bawat araw, kaya nangungulika ako."

Pagkaraang isagawa ang pilot project ng pag-asikaso sa mga matatanda, malaking nagbabago ang pamumuhay ni Wang. Sa magkakapitbahayan na pinaaninirahan niya, itinatag ang isang espesyal na sentro para asikasuhin ang mga matatanda, lagi pumunta dito si Wang at ang kanyang mga kapitbahay at lumalahok sa ilang aktibidad para sa aliwan. Inilahad ni Qiu Yufang, Direktor ng lupon ng mga residente ng magkakapitbahayang ito, na sa kasalukuyan, ang sentrong ito ay may mga lugar para sa paglaro ng card at chess, pag-eehersisyo, pagbabasa at may kantin pa doon. Nagtatamasa doon tuwing araw ang mga matatanda ng iba't ibang walang bayad na serbisyo ng paglilibang at pamamahinga. sinabi niya na

"Sa kasalukuyan, inilaan ng pamahalaang lokal ang sapat na pondo ng aming sentrong ito at binili ang mga kinakailangang pasilidad. Kaya binigyan ng mga matatanda ang sentrong ito ng positibong pagtasa. Sa tingin ko, ito'y isang bagay na tunay na nakakabuti sa mga matatanda."

Bukod dito, may mga magkakapitbahayan ng Xixia ang iba pang mga serbisyo. Halimbawa sa kapitbahayan ng Jinbo, nilagdaan ng lupon ng mga residente nito at mga tindahan, restawuran at gupitan sa loob ng magkakapitbahayan ang kasunduan na kung kakailanganin ng mga matatanda, magkakaloob ang mga ito ng walang bayad na serbisyo sa tahanan ng mga matatanda.sinabi ni Liu Yanling, Direktor ng lupong ito, na

"Batay sa kalagayan ng aming magkakapitbahayan na may maraming matatanda, inirekod namin ang kanilang kalagayang panlusog, kondisyon ng pamilya at aktuwal na pangangailangan para ipagkaloob ang katugong serbisyo."

Ayon sa pinakahuling estadistika, tinayang hanggang sa 2010, aabot sa halos 700 libo ang populasyon ng mga matatanda ng Ningxia na mahigit sa 60 taong gulang at kasunod ng pagiging maliit ng saklaw ng pamiliya, ito'y nangangailangang sa isang pamilya, aalagaan ng mga mag-asawa ang 4 na matatanda at 1 bata, magiging mas mabigat ang resposiblidad ng pag-aalaga ng mga matatanda. Kaya magiging malubha ang kalagayan ng kulang sa pag-aalaga ng mga matatanda. Dahil pinahahalagahan ng mga matatanda ang pamumuhay ng pamilya, kaya ang pag-aalaga ng mga matatanda sa tahanan na ipinagkaloob ng magkakapitbahayan ay naging susi ng paglutas ng isyu ng pag-aalaga ng mga matatanda. Sinabi ni Yue Xiuxia, pangalawang Direktor ng Tanggapan ng lupon ng pag-asikaso ng mga matatanda ng Ningxia, na

"Ang ganitong serbisyo ay naglalayong ipagkaloob sa mga matatanda ang may kinalamang serbisyo sa kanilang tahanan."

Ang ganitong serbisyo ay sa pamamagitan ng pagbibigay-tulong ng pamahalaan, paglahok ng lipunan at aktuwal na pagsasagawa ng mga intermediary agency, nagkakaloob sa mga matatanda ng propesyonal na serbisyo na gaya ng pag-asikaso ng pamumuhay, pag-aaliw ng damdamin, pangangalaga sa kalusugan at nakalilibang aktibidad. Sinabi ni Yue na sa kasalukuyan, ang serbisyong ito ay nagbibigay ng mas maraming pansin sa pagtugon sa pangangailangang pangkaisipan ng mga matatanda.

Sa taong ito, itatatag pa sa buong Ningxia ang 80 sentro ng pag-asikaso ng mga matatanda. Hanggang sa 2011, maitatayo ang ganitong sentro sa mahigit 80% magkakapitbahayan ng Ningxia.

Salin: Ernest

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>