Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-16 2009

(GMT+08:00) 2009-08-11 18:03:37       CRI

Hey, Kumusta na kayo mga Pinoy sa iba't ibang sulok ng daigdig? Welcome sa programang Pop China na inihahatid sa inyo ni Sissi-- ang inyong Happy DJ-- tuwing linggo ng gabi.

Ok, finally, pagkaraan ng apat na oras na paglipad, bumalik na si Kuya Ramon sa Beijing. Mula sa araw na ito, ang lahat ng programa at boses na maririnig ninyo ay galing sa studio ng China Radio International dito sa Beijing. Gusto ko sana siyang yayain na iko-host ang aking Pop China ngayong gabi, pero alam ko na kailangan niyang matulog sa kanyang comfortable apartment. So, Shh, tahimik, ha?

Ok, balik sa ating music charts. Uulitin ko muna ang limang kanta na ini-recommend ko sa Pop China noong nakaraan: "Party Time" ni Coco Lee, "Tonight" ni KIMI Qiao, "Lumisan" ni Valen Hsu, "Writing brush character" ni Anson Hu at "Perpektong perpekto" nina Angela Zhang at Harlem Xu. Bumoto na ba kayo para sa pinakapopular na kanta sa aking message board? At sino naman ang ating masuwerteng tagapakinig last week? Haha, iri-reveal ko muna ang tatlong pinakapopular na awit.

Ika-3, "Prepektong prepekto" na inihahatid ni Angela Zhang at Herlum Yu. Kung mapapanood ninyo ang perpektong performance ni Angela sa stage, hindi ninyo maiisip na bago pumasok sa sirkulo ng entertainment, lumahok na siya sa maraming singing contest pero hindi man lamang siya nakapuwesto. Kapag pumapanik siya sa stage,, awkward na awkward siya. Nalilimutan niya ang lahat ng lyrics o nahuhulog dahil nagdamit ng isang di-bagay na sapatos. Dumaan siya sa paulit na ulit pagsubok sa loob ng dalawang taon, si Angela ay naging kampeon din sa isang singing contest at ipinasiyang maging propesyonal na singer.

Ika-2, Kimi Qiao at kanyang bagong kantang "Tonight". Nararamdaman ang aking pag-ibig ngayong gabi at pinakawalan ang lahat ng inyong puwersa. Sinabi minsan ni Kimi, kung walang musika, simpleng black at white ang aking pamumuhay. Minsan naging isang manlalaro, si Kimi ay may perpektong bodyshap at bago naging singer, nagtrabaho rin siya bilang model at host ng TV program.

Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin naman kayong mag-text kung may request kayong kanta o kung meron kayong koment sa 09212572397.

Ang winner is… Dancing Queen Coco Lee at bago niyang kantang " Party Time". Sabi nga ni ma. christina yes, it's the powerhouse coco lee in my ballot sheet. real power with her music. 091061206XX i like coco lee this time. bagay sila mag duet ni regine. favorite ko rin naman si regine. Ah, He that loves the tree loves the branch, pero, sino ang tree at sino ang branch? Haha, biro lang.

Guess, sino ang masuwerteng tagapakinig ng aking progrema para sa gabing ito? siya ay mobile phone user 092199353XX: i salute your pop china. music is just right for me. the format is funtastic--f-u-n. malamig ang tinig ng DJ at sa pakiwari ko para akong dinadala sa cloud 9--sa totoo lang. ah, I am flattered, maraming maraming salamat sa inyong appreciation sa progremang Pop China at kay Sissi. Padadalhan ka ng Serbisyo Filipino ng kopya ng DVD ni Jolin Tsai. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397. Pinasasalamatan ko rin ang lahat ng tagapakinig na bumoto sa aming website o sa pamamagitan ng text messages.

Isinilang noong taong 1969, pinangalanan ni David Tao ang kanyang bagong album ng "Melody of 69". Sinabi pa niyang ito ang kanyang ika-6 na album at ika-9 na obrang musikal at sa sinaunang philosophy na Tsino, ang bilang na anim ay katapusan ng negatibo at ang bilang na siyam ay katapusan ng positibo. Sa pagpapalit-palit ng anim at siyam, muling nabubuhay ang lahat ng bagay.

Minana ni David ang kanyang artistic talent sa kanyang tatay na isa ring popular na singer at nanay na isang Perking Opera artist. Nagpunta siya sa States noong siya ay 15 years old para mag-aral at mula noon ay nanirahan na siya doon. Si David ay mahusay na composer sa istilong Rhythm and Blues o R&B. Sa bagong album melody ng 69, tatlong music instruments lamang ang ginamit niya-- guitar, drums at bass. Ayon kay David, ang 3-piece band ay pinakasimple, totoo at powerful. Ok, nararamdaman natin ang power ng simplicity sa kanyang bagong kantang "Your Song".

Ok, too much tender affection. There is something different na gustong ihatid sa inyo ni Sissi. Ito ay ang kantang "A Mo" ni Chris Lee. Nasabi ko sa inyo minsan na si Chris ay isa sa mga pinakapopular na idol ng mga kabataang Tsino. Noong hindi pa gaanong naririnig ang pamagat ng kanyang bagong kanta, bago niya i-reveal ang tunay na kahulugan ng pangungusap na ito, maraming fans ang magkakasunod na humula ng meaning nito. May nagsabi na ang L'Amour daw sa wikang Pranses ay nangangahulugan ng pagmamahal o love. May nagsabi rin na ito raw ay pronoun na kumakatawan sa lahat ng music fans. May nagsabi naman na ito raw ay isang onomatopoeia na naglalarawan sa tunog ng kiss. Okay, whatever it is, ang naririnig ninyo ay ang awiting "A Mo" ni Chris.

Limang kanta para sa this week: "Party Time" ni Coco Lee, "Tonight" ni KIMI Qiao, "Perpektong perpekto" nina Angela Zhang at Harlem Xu, "A Mo" ni Chris at "Your Song"ni David Tao. Mag-iwan lang kayo ng mensahe sa aming website o magteks sa amin. Hihintayin ko ang inyong messages. At Ipinapaalala ko na puwede rin kayong mag-dedicate ng kanta para sa inyong mga kaibigan o kapamilya sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming website o pagteteks sa amin.

Habang ginagawa ko ang kasalukuyang episode ng Pop China, nakita ko ang isang klassikal na kantang L'Amour Est Bleu". My love is blue. Doux, doux, l'amour est doux, Douce est ma vie, ma vie dans tes bras, Doux, doux, l'amour est doux, Douce est ma vie, ma vie pres de toi. Blue, blue, blue, my love is blue. Without you, my love is blue. Grey, grey grey, my love is grey, once you leave, my heart becoming cold. Ano ang kulay ng inyong love? Blue, grey or yellow, pink? Wish you are all safe and sound and happy, and always in the pink of life.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>